
Bilang ng mga mabubuntis ngayong Lockdown, posibleng dadami ayon sa POPCOM
Malaki ang posibilidad na marami ang mabubuntis ngayong umiiral ang enhanced community quarantine sa bansa, ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM).
Ayon kay POPCOM executive director Juan Antonio Perez III, sadyang dumadami talaga ang unplanned pregnancies o hindi planadong pagbubuntis sa ganitong kalamidad sa ating bansa.
Aniya, ito ay dahil naghahanap ng intimacy ang mga tao bilang pinakamadaling pagkukunan ng comfort kung kaya nagiging isa ito sa mga paraan ng ilan para pansamantalang hindi maramdaman ang nangyayari sa ating kalamidad lingid sa reyalidad ng kanilang buhay. Lalung-lalo na ang mahihirap na pamilya.
“Noong past crisis natin na medyo malaki, ‘yung Yolanda na matagal na walang services sa mga ilang munisipyo na hard hit, we noticed na nagkaroon ng increase ng teen and other pregnancies,” ani Perez.
Sa pagtatantiya ni Perez, posibleng dumami nang 50,000 ang mga ipapapanganak sa Disyembre at Enero lalo’t hindi accessible ngayong panahon ang mga serbisyo patungkol sa family planning supplies and services.
Payo ni Perez na magkaroon ng family planninng para hindi madagdagan ang problema sa inaasahang pagbagsak ng ekonomiya pagkatapos ng health crisis sa coronavirus disease 2019 pandemic (COVID-19).
Samantala, namahagi naman ng 3 buwang supply ng contraceptives ang POPCOM at Department of Health sa mga residente sa Metro Manila, partikular sa Taguig.
Mananatili naman ang operasyon ng clinic ng POPCOM sa Mandaluyong City mula Lunes hanggang biyernes para sa mga kailangan ng family planning services ngayong may national health emergency sa bansa. FROM REX MOLINES | PHOTO COURTESY: MSN.COM
Source:
[PLS EMBED: https://twitter.com/michael_delizo/status/1243398871427866626]