Mariing ipinaalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi pahihintulutan ang ipinapatupad na patakarang “No Mask, No Entry” at “No Quarantine, No Entry” sa ilang mga establisimiyento at mga barangay sa bansa.
“Sa mga supermarket na hindi nakamaskara, eh, hindi mo pabibilhin ng pagkain, i-observe lang natin ‘yung social distancing. Kailangan ay ‘wag tayong mag-discriminate,” pahayag ni DILG Sec. Eduardo Año sa isang panayam.
Sa karagdagang ulat, sa panayam naman ng DZMM TeleRadyo kahapon kay DTI Usec. Ruth Castelo na hindi dapat hinihingi ang Quarantine Pass sa mga Supermarket at Drugstores o Pharmacy dahil ito ay nagdudulot din ng diskrimasyon sa mamimili. Lalo pa’t ang paghihintay ng matagal sa napakahabang pila nang walang bitbit na Quarantine Pass.
Samantala, mananatiling suspendido ang mga pampublikong transportasyon sa bansa sa kabila nang pinaiiral na Enhanced Community Quarantine na tatagal hanggang Abril 14, 2020. (DM) | PHOTO COURTESY BY REX MOLINES
Categories: NASYUNAL