
8 sakay sa nasunog na private plane sa NAIA, patay
Read Time:39 Second
Patay ang walong (8) pasahero ng isang private plane matapos itong masunog kaninang alas 8:00 ng gabi, Linggo, Marso 29, 2020.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ang mga nasawing pasahero ay lulan ng Lion Air Flight RPC 5880.
Ang walong mga pasahero ay kinabibilangan ng; 1 doctor, 1 nurse, 1 flight med, 3 flight crew, 1 pasyente, at ang kasama nito.
Nangyari ang sunog mismo sa Runway 24 ng NAIA 2 habang pa-take off ang private plane na patungo sana ng Haneda, Japan ngayong gabi.
Matapos ang insidente, agad namang rumesponde ang MIAA Fire and Rescue team para kontrolin ang sunog.
Inaalam pa nang mga otoridad ang sanhi ng pagkasunog ng nasabing eroplano. (via PASAY DESK. REPORT BY REX MOLINES. PHOTO CREDIT TO THE OWNER
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.