GOODVIBES LANG! — Cavite Generals vs. Laguna Saints: Ito ang masarap sa mga pag-uusap ng ating mga nirerespetong lider sa lalawigan ng Cavite at Laguna.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Talaga namang nakaka- GOODVIBES ang palitan nang mga mensahe ng dalawang gobernador sa nasabing lalawigan. Kung ganito kaayos ang usapan nang bawat lider na may kaunting laman, katotohanan at may kaunting gigil at kakwelahan ay mapapasaan pa ba ang usapan kundi mauuwi rin ito sa maayos na pagtatapos at pagtutulungan.
Mahalagang mabatid natin ang pag-uusap ng may kaluwagan sa loob at nagmumula sa ating mga puso sapagkat ito ay nagdudulot nang damdaming nakagagalak kaninuman. Lalo pa’t matiyaga nilang ibinaybay ang kanilang mga saloobin sa wikang Tagalog na ating hindi dapat kinakalimutan. Sa panahong naka lockdown ang ating bansa, ay tila lalong lumalabas ang ating pagka-Pilipino sa mga kaparaanan, kahusayang medikal, at sa wika na ating ipinamamalas para matugunan nang maayos at malinaw na mensaheng nais iparating sa bawat isa. Hindi ito ang panahon nang pamomolitika bagkus ito ay panahon nang bayanihang makabayan ng may pagpapahalagang maunawaan ang bawat damdamin at kaisipan na ang mga pinaiiral na mga batas sa bawat nasasakupan ay dapat nating irespeto, galangin at maunawaang lubos sa maayos na pamamaraan at hindi ang paggamit ng dahas o kapangyarihan sa isa’t isa. Samantala, maraming mga netizens naman ang nag-aabang sa nakaka goodvibes na sagutan ng dalawang gobernador sa pamamagitan nang pakitang gilas naman sa paggamit ng TikTok app. Antabayanan natin iyan sa mga susunod na araw, kaMilemyo. Narito ang ilan sa mga palitang-mensahe nang dalawang matatapang at masigasig na gobernador. | via Pasay desk | REX MOLINES | 📷 courtesy to the owner
#Goodvibes #GovPogi #JonvicRemulla #RamilHernandez #MandirigmangCaviteño
#CaviteGeneralsVSLagunaSaints