
LGU-Mamasapano sa Maguindanao nagbabala kontra sa grupo na nagbibigay ng umanoy bakuna kontra sa COVID-19
MAGUINDANAO, Philippines — “Huwag po natin silang paniwalaan” Ito ang babala at panawagan ng mga opisyal ng bayan ng Mamasapano sa probinsya ng Maguindanao sa mga residente doon.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon sa pinosteng mensahe ng nasabing bayan sa kanilang Facebook account, binabalaan nila ang mga residente sa kanilang bayan tungkol sa isang grupo na umiikot at umano’y nagbibigay ng bakuna kontra sa COVID-19.
Ayon sa mensahe nila, “peke” ang ginagawa ng nasabing grupo at ang hangad lamang nila ay “makapanloko” at “makakuha ng pera” mula sa mga residente.
“Ang kanilang tinuturok na gamot ay maari pang makasira sa inyong kalusugan imbes na makabuti,” sabi ng LGU-Mamasapano sa pinsote nitong mensahe.
Iginiit ng munisipyo, bilang paalala sa mga residente na huwag nilang paniwalaan ang nasabing grupo para sa kanilang kabutihan.
Ayon pa sa LGU-Mamasapano, ang tanging mga totoong health workers lamang mula sa Rural Health Unit ng kanilang bayan ang awtorisadong magbigay ng bakuna. Batay sa report, wala pang gamot ang COVID-19.
Aniya, kung sila ay pinupuntahan o nilalapitan ng nasabing mga tao, maari nilang i-report ito sa barangay upang mapigilan ang kanilang illegal na ginagawa.
Pinayuhan nila ang mga residente na manatili sa kanilang mga bahay para hindi mahawahan ng COVID-19. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO BUREAU/PHOTO CREDIT TO LGU-MAMASAPANO)