PHOTO NEWS: Mayor Tess Pallasigue ng Isulan, Sultan Kudarat namahagi ng “Personal Protective Equipment” sa mga kapitan ng barangay
ISULAN, MINDANAO — Pinatahian ni Mayor Tess Pallasigue ng bayan na ito ng “personal protective equipment” (PPE) ang lahat ng kanyang mga barangay captain laban sa COVID-19.
Ayon sa ulat na natanggap ng DIYARYO MILENYO, nakatanggap din ng “disinfectant” mula kay Mayor Pallasigue ang nasabing mga opisyal ng barangay.
Sa isang short program, personal na mag-demo (kung paano gamitin ang nasabing PPE) si Mayor Pallasigue sa nasabing mga opisyal.
Sa kasalukuyan, abala si Mayor Pallasigue sa pagsu-supervise sa pag-repack ng 42,000 na relief goods para sa kanyang mga constituent. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO BUREAU/PHOTO CREDIT TO LGU ISULAN)