Bawal mag-April fools’ joke sa panahong Enhanced Community Quarantine sa Pinas

Read Time:2 Minute, 21 Second

BAWAL MAGBIRO SA ABRIL UNO: Siguro naman alam niyo na kung bakit bawal ang magbiro ngayong “April Fools day?” Hindi ito ang panahon para tayo ay magbiro, o gawing katatawanan ang mga kaganapan sa ating paligid na tayo ay humaharap sa matinding health crisis sa buong mundo.

Tayo pa namang mga Pinoy ay mahilig gumawa ng mga prank sa social media at youtube; mapa-artista sa showbiz o hollywood, mga sikat na blogger o vlogger, mga ordinaryong tao, at ang mga walang magawa sa buhay at kahit ako na nagsusulat nito ay nagbibiro din paminsan-minsan sa mga kakilala ko o nakakasama ko sa bahay at sa trabaho. Pero ito ay inilulugar dapat.

Sa ganitong kaganapan nang ating buhay ngayon, hindi ba dapat ay iniiwasan natin ang pagbibiro? Sabi nga sa ipinoste sa twitter account ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na kung sino man ang magbiro at ihayag sa social media na sila ay positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kaniyang lungsod ay mapapatawan ito ng parusa. Aniya ng Alkade, kaniya raw itong huhulihin at ipapa-quarantine ng 14 days kahit wala itong sintomas o anumang sakit.

Gaya rin nang walang puknat na pag-usbong at talaga namang masmatindi pa sa bilis ng pag-arangkada ng nakakahawang virus ang mga nagsilipanang FAKE NEWS sa social media. Lahat ng mga nagpapakalat ng mga maling balita o impormasyon at kapag kayo ay na-trace ng otoridad ay talaga naman hindi lang quarantine ang aabutin ninyo! Matinding kaparusahan sa batas ang naghihintay sa inyo.

Batid naman natin na tayo ay naiinip na sa ating mga kabahayan pero hindi natin ito ginagawang biro. Walang sinuman sa gobiyerno o pamahalaan o kahit saang bansa pa man ang magsasabi ng TOTAL LOCKDOWN at biglang magjo-joke. PAALALA PO ULIT, HINDI PO ITO BIRO! Kaya ‘wag po tayong magbiro sa April fools day. Ito ang panahon nang pagsasabi ng may katuturan at seryosong usapin patungkol sa lagay ng ating bansa. Iwasan natin ang magkalat ng mga haka-haka sa kahit ano pa mang aspeto.

Hindi po makakatulong ang pagbibiro natin ngayong enhanced community quarantine. Pakiusap din sa lahat ng may mga kaarawan bukas ay manatili po tayo sa ating mga tahanan at  panatilihin natin ang social distancing at kung sakaling maghahanda, ay huwag na munang mag-imbita ng mga kamag-anak, kaibigan o mga kabarangay ninyo dahil hindi rin ito makakatulong sa loob ng tahanan ninyo para makaiwas sa banta ng COVID-19.

Maaring ipagpaliban muna natin ang ating kaarawan sa ngayon kaysa tayo ang lumiban sa mundong ating ginagalawan. Bagkus, ipagdasal natin na ito ay matapos na at huwag ng madagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa banta ng nakamamatay at hindi nagbibiro na COVID-19 pandemic sa ating kalusugan. Uulitin ko po, BAWAL ANG MAGBIRO NGAYONG APRIL FOOLS’ DAY!  📷  courtesy: Vico Sotto on twitter

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PHOTO NEWS: SNA RESIDENTS: “HAPPY BIRTHDAY TO MADAME EUFEMIA LACDO-O ECIJA”
Next post Ano nga ba ang Social Amelioration Program at sino nga ba ang makakatanggap nito?
%d bloggers like this: