
Mga tsismosa at tsismoso makakatulong ng malaki sa pagsugpo sa COVID-19, ayon sa isang broadcaster sa Koronadal City
KORONADAL CITY, Philippines — Malaki ang maitutulong ng mga “tsismosa” at “tsismoso” sa pagpigil sa pagkalat at pagsugpo sa nakamamatay na COVID-19 pandemic, ayon sa isang broadcaster na nakabase sa siyudad na ito.
Ayon kay Andy Laranja, isang kilalang broadcaster ng Brigada News FM, makatutulong nang malaki ang mga tsismosa at mga tisismoso sa pag-monitor sa pagkalat ng COVID-19, kung saan mas kilala na “coronavirus,” dahil alam nila ang nangyayari sa kanilang mga komunidad.
“Ito na ang panahon na makatulong kayo sa gobyerno at sa inyong mga komunidad sa pamamagitan ng monitoring,” sabi ni Mr. Laranja sa kanyang umagang-programa sa Brigada News FM sa Koronadal City.
Hinihikayat ni Mr. Laranja ang mga tsismosa at mga tsismoso na gamitin nila ang kanilang mga “galing” sa pagsagap ng mga impormasyon sa kanya-kanya nilang mga lugar.
Ayon kay Mr. Laranja, ang dapat lang nilang gawin ay i-report lang nila kaagad sa kanilang mga opisyal sa purok at barangay kung may alam silang mga tao na bagong-dating sa kanilang mga purok na galing sa ibang lugar at ang mga pasaway na mga tao (yung mga mga residente na ayaw sumunod sa regulasyon ng quarantine).
“Sa ganong paraan at sa ganitong panahon makakatulong sila,” giit ni Mr. Laranja. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO BUREAU)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
Average Rating
One thought on “Mga tsismosa at tsismoso makakatulong ng malaki sa pagsugpo sa COVID-19, ayon sa isang broadcaster sa Koronadal City”
Comments are closed.
More Stories
Magpapasan ng Krus Pinipinalisa, Mga Rekamadero/a Nagpulong sa Ika-apat na Linggo ng Kuwaresma
[gallery columns="2" size="large" ids="29662,29663,29664,29665"] Boac, Marinduque – Nagpapatuloy ang paghahanda sa mga Mahal na Araw mula Abril 2 hanggang 9...
Usapin sa banta ng oil spill sa Verde Island Passage tinalakay
[gallery columns="2" size="large" ids="29654,29655"] Sa nakaraang public forum, “Stop the Oil Spill and Hold the Culprits of this Disaster Accountable”...
HINAING NG MGA MAGSASAKA SA CAVITE, IDINULOG KAY SEN. IMEE
Ni Sid Samaniego [videopress d1wEgDHi] TRECE MARTIRES, CAVITE --- Nakilahok sa ilang aktibidad sa lungsod ng Trece Martires Cavite,...
Pagpapabuti ng Kaayusan sa Isang bagong tayong Subdivision sa Naic Cavite, Tulong-Tulong na Inaangat ng mga Residente nito
NAIC, CAVITE --- Hindi masama ang maghangad ng pagbabago para sa lahat lalo na kung ang kapakanan ng bawat komunidad...
ESTUDYANTENG BIKTIMA NG HINIHINALANG HAZING, NATAGPUANG PATAY SA IMUS, CAVITE
Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng isang college student sa madamong bahagi sa lungsod ng Imus, Cavite na hinihinalang...
PAGMAMAHALAN, SUMPAAN, AT KASALAN SA LOOB NG KULUNGAN
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Hindi magiging hadlang ang bawat rehas na ito upang mapag-isang dibdib ang pagmamahalan nina Erwin...
[…] https://diyaryomilenyonews.com/2020/03/31/mga-tsismosa-at-tsismoso-makakatulong-ng-malaki-sa-pagsugp… […]