
PHOTO NEWS: Bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao namahagi ng relief goods at hygiene kits
SHARIFF SAYDONA MUSTAPHA, MINDANAO — Nagsimula ng mamahagi ng mga relief goods at hygiene kits sa mga “poorest of the poor” na constituent nito na naglalayong ibsan ang mga dinadanas nilang paghihirap dahil sa COVID-19.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Kahapon (March 30, 2020), namahagi ang health workers at mga empleyado ng munisipyo sa tatlong barangay nito. Ang nasabing mga barangay ay ang Linantangan, East Libutan at Pusao. Mamahagi din sila ng mga relief goods at hygiene kits sa iba pang mga barangay sa susunod na mga araw.
Sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha ang lahat ay nagtutulungan upang matulungan ang mga pamilyang apektado ng COVID-19. Sinabi ni Mayor Datu Sajid Islam U. Ampatuan na ginagawa ng mga opisyal at ng mga empleyado ng munisipyo ang lahat para maging “safe” ang kanyang bayan sa COVID-19. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO BUREAU/PHOTO CREDIT TO RHU SHARIFF SAYDONA MUSTAPHA)