NASYUNAL

Ano nga ba ang Social Amelioration Program at sino nga ba ang makakatanggap nito?

Ang Social Amelioration Program o (SAP) ay isa sa mga inaprubahang ayuda ng gobyerno para makatulong sa mga mahihirap nating kababayan lalung-lalo na ang lubos na naapektohan ng lockdown at nawalan ng hanapbuhay.

Ang memorandum circular na ito ay aprubado ni Pangulong Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID). Kinapapalooban din ito nang pagtugon ng ilang mga ahensya ng gobyerno; ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), at nang Department of Welfare and Social Development (DSWD). Katuwang din ng IATF-EID ang bawat LGU’s na makapagsumite ng database para sa mga mag-bebenepisyo nito.

Ang nakatuon sa programang ito ay ang DSWD para sa COVID-19 Social Amelioration Program. Hihingin naman ang tulong ng mga barangay para mapamahagi ang SAP form sa kanilang mga nasasakupan. Manggagaling ang listahan ng beneficiaries sa barangay captain.

Ang SAP ay bahagi ng programang ipinatutupad ng pamahalaan mandato ng Republic Act (RA) 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act.” Sa ilalim nito, makakatanggap ang ilan sa 18 million poor Filipino families ng cash assistance para maibsan ang kagutuman sa dalawang buwan. Ang mga pamilyang mabibigyan nito ay ‘yung lubos na naapektuhan ng lockdown sa Luzon at iba pang mga lugar sa bansa. Sa pagtataya, mabibigyan ng P5,000 hanggang P8,000 kada mahihirap na pamilyang kwalipikado sa ayudang ito habang kinahaharap natin ang coronavirus disease (COVID-19) global pandemic.

Sino nga ba ang target beneficiaries? Ayon sa video courtesy ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, makakatanggap ng ayuda ang bawat pamilyang labis na naapektuhan ng lockdown, ang senior citizens, PWD, Pregnant and lactating women, Solo Parent, Indigenous people o mga kababayan nating lumad, underprivileged sector and homeless citizens, transportation vehicle drivers, informal economy workers (directly hired or occasional workers or subcontracted workers, or home workers), house helpers, drivers of pedicab or tricycles, PUJ’s, PUV’s, Taxi’s, and transport network companies, operators, and sari-sari stores, owners of operating or managing a small businesses such as; retail, food production vending, karinderya, fruit or vegetable vendors, etc., sub-minimum wage earners, employees affected by no work no pay policy. Ilan lamang sila sa mga kuwalipikadong beneficiaries sa ilalim ng memorandum circular ng Social Amelioration Program.

Paano makakakuha ng SAP o SAC form? Ito ay ibibigay ng bawat barangay sa bawat pamilya sa kanilang mga residente o nasasakupan. Dalawang form ang ibinibigay (isa ay para sa nangangasiwa nito at isa ay para sayo). Kapag nasulatan na ang form na ito ay isusumite naman ito sa nagbigay sa inyo para ma-validate ang mga impormasyon.

“Mula sa database na ‘yon ay makikita po natin kung sino yung kwalipikado based dito sa joint memorandum circular ng social amelioration program, so yun po yung mauuna nating bibigyan sa pasada na yan, habang ginagawa po natin yan ay hinihingi po natin yung listahan mula sa LGUs at kasama na diyan mula yung sa barangay kapitan pero dapat ang pagbibigay ng listahan ay based sa guidelines natin yung kwalipikado na beneficiaries.” pagpapatibay ni Nograles.

Ngayon ay nasa ikatlong linggo na tayo ng lockdown. Kaya naman, inaasahan na ito ay maibibigay na sa mahihirap na pamilyang Pilipino sa lalong madaling panahon. Kung nais mo pang mabatid ang ilan sa mga impormasyon patungkol sa SAP, maaring bisitahin ang mga link na nasa ibaba;

Sources:

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fnews.abs-cbn.com%2Fnews%2F03%2F28%2F20%2Ftask-force-oks-guidelines-on-covid-19-social-amelioration-measures%3Ffbclid%3DIwAR1N6sXeuuzL92mw5M0lAXAGYZdIgEnf_7DkzcYwfwnu8nwUvVYP_ezGoAQ&h=AT3MkSncM-R-OspIxRA4aK1pJswibk5QIX7Z5eWQKfszZlYYt_ju3-Ph2IJ8rZKyVrc81f7fEmfOQYuOtaMiXStcHABTY8VPMwyo_KheGKRMu9vnRlsAQTPyljHRQCGDKNJ6UA

https://news.abs-cbn.com/news/03/28/20/task-force-oks-guidelines-on-covid-19-social-amelioration-measures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.