OFW partylist Rep. Bobby Pacquiao at misis nito na si City Councilor Lorelie Pacquiao ng GenSan namahagi ng relief goods sa 1,300 households sa Barangay Labangal
GENERAL SANTOS CITY, MINDANAO — Pinangunahan nila City Councilor Lorelie G. Pacquiao at ng kanyang mister na si OFW Family Partylist Representative Alberto “Bobby” D. Pacquiao, kasama ang mga kagawad ng Barangay Labangal at mga volunteer, kahapon (March 31, 2020) ang pamamahagi ng relief goods sa 1,300 na mga household ng dalawang purok (Malipayon at Malok) na apektado ng banta ng COVID-19 sa siyudad na ito.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Si City Councilor Pacquiao ay barangay captain ng Labangal at ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng General Santos City bilang isang ABC president.
Ang ipinamahaging relief goods ay mula sa Barangay Calamity Fund. Nagbigay naman ng ayuda ang city government sa nasabing barangay ng 100 sacks na bigas. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO DESK/PHOTO CREDITS TO CITY COUNCILOR LORELLIE PACQUIAO)
You must be logged in to post a comment.