PHOTO NEWS: Isang pamilya at bakery sa bayan ng SNA sa probinsya ng Sultan Kudarat namigay ng “snacks” sa anti-COVID-19 frontliners
SENATOR NINOY AQUINO, MINDANAO — Lahat ng “frontliners” ng bayan ng Senator Ninoy Aquino (SNA) sa probinsya ng Sultan Kudarat ay nagpapasalamat sa pamilya ni “Jan Edward Villarde” at ang may-ari ng WANG BAKESHOP sa kanilang munting tulong na ibinigay sa kanila.
Ang pamilya Villarde at ang Wang Bakeshop ay namamahagi ng meryenda sa frontliners na nagbabantay sa mga quarantine checkpoint para maseguro na hindi makapasok at kumalat makapasok ang COVID-19 sa SNA.
Maalala na isinailalim ni Mayor Randy Ecija Jr. ang boung bayan ng SNA sa istriktong kwarentina para maseguro ang proteksyon ng mga residente. (NIEVA LACDO-O ECIJA NACIONAL OF SENATOR NINOY AQUINO, SULTAN KUDARAT)