Palm Sunday, gagawing Online ang misa – CBCP

Read Time:1 Minute, 9 Second

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lamang magdiriwang ang buong Simbahang Katolika na gagawing online ang misa para sa pagsalubong ng Palaspas o Palm Sunday (Abril 5, 2020) ngayong Semana Santa.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Ito ay para maiwasan ang paghawa ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19) global pandemic.

Batay sa pagtatakda ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang lahat nang mga aktibidad nang Simbahan at ang misa para sa Holy Week at Easter Sunday ay mapapanood sa TV at sa online o internet. Sa pamamagitan ng live streaming ng bawat simbahang katoliko sa kani-kanilang social media accounts at youtube channel.

Aniya, maaring manood na lamang nang misa sa bahay at pwede namang mabasbasan ang mga palaspas sa pamamagitan ng pakikinig sa Salita ng Diyos na sasabihin ng pari sa misa.

Kung tayo ay walang palaspas, maaring gamitin ang kahit ano’ng sanga na may dahon o kung ano man ang halaman na makikita sa bahay. Ang Holy Water ay simbolo ng pagbibigay bendisyon ng pari ngunit sa pagkakataong ito, hindi na kailangan pang mabasbasan ng Holy Water ang ating mga Palaspas bagkus tayo ay magbigay pugay sa kadakilaan ni Hesukristo at magdasal ng taimtim para sa kaligtasan ng sambayanan.

Kaya naman ang bawat isa ay inaanyayahan na gumising ng maaga para ating salubungin nang buhay at buong puso ang pagdiriwang ng Palaspas ngayong Semana Santa.

#SemanaSanta2020
#CatholicBishopsConferenceofthePhilippines

#SimbahangKatoliko

#PalmSunday #Palaspas2020

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post TIPS PARA MABATID KUNG ILLEGAL O LEGAL ANG ALCOHOL NA IBINIBENTA ONLINE
Next post PHOTO NEWS: Imbentor ng anti-COVID 19 “Disinfectant Misting Machine” (DMM) nagpasalamat kay Congressman Hernandez sa pagtiwala sa kanyang naimbento

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d