
PHOTO NEWS: Imbentor ng anti-COVID 19 “Disinfectant Misting Machine” (DMM) nagpasalamat kay Congressman Hernandez sa pagtiwala sa kanyang naimbento
KORONADAL CITY, South Cotabato — Pinasasalamatan ng “robotic enthusiast” na si Engr. Louie Palete si South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez sa pag-donate nito ng “Covid-19 DMM” (or Disinfectant Misting Machine) na kanilang ininstolar sa harap ng emergency room entrance ng Provincial Hospital of South Cotabato sa siyudad na ito.
Ang “Covid-19 DMM” ay inimbento ni Engr. Palete sa gitna ng banta at pananalasa ng “coronavirus” sa mga tao sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Binuo ni Engr. Palete ang “Covid-19 DMM” nito gamit ang pinaglumaang Arduino Ultrasonic, Sensor Brushless DC Motor at mga secondary materials na Blue Gallons at PVC.”
Umaga ng April 4, 2020, nag-install ng isang unit ng “Covid-19 DMM” si Engr. Palete, kasama sina Paolo Jorge Estember, Nonoy Zambra at ang congressional staff ng tanggpan ni Rep. Hernandez, sa harap ng emergency entrance ng provincial hospital.
Nagpapasalamat si Engr. Palete kay Congressman Hernandez dahil sa paniniwala nito sa kanyang kakayahan at sa kanyang inimbentong “DMM.”
Umaasa naman si Engr. Palete na sana makapag-install sila ng maraming mga “Covid-19 DMM” sa ibat-ibang mga bahagi ng probinsya sa tulong ni Congressman Hernandez. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO DESK/PHOTOS CREDIT TO FRANCES B. PALETE)