
PHOTO NEWS: SKPMFC, 43RD SAC-SAF, PNP ADVISORY COUNCIL, NAVARRA PHILIPPINES NAGHATID NG TULONG SA 86-ANYOS NA MATANDA NA MAG-ISANG BINUBUHAY ANG MISIS AT 3 NA ANAK NITO NA MAY MGA DIPERENSYA SA PAG-IISIP
ISULAN, Sultan Kudarat — Napaluha sa sobrang-awa si Patrolwoman Mary Eileen P. Bautista matapos malaman ang kaawa-awang kalagayan ng isang 86-anyos na matanda na si Lolo Felipe Aloba sa Purok Sikat sa Barangay Bambad sa bayan ng Isulan sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ang asawa at ang tatlo na mga anak ni Lolo Felipe ay may sakit sa pag-iisip (or mental disorder). Mag-isa lamang si Lolo Felipe na nag-aalaga at bumubuhay sa may sakit nitong misis at tatlong anak.
“Umaasa lamang sa mga niyog at gulay na nasa kanyang bakuran si Lolo Felipe na kanyang ibenebenta upang may pambili sila ng bigas at ulam,” sabi ni Patrolwoman Bautista na PCAD-PNCO ng Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (SKPMFC) na nakabase sa Tacurong City.
Isa si Lolo Felipe sa mga libo-libong mga residente sa bayan ng Isulan na apektado ng “quarantine” at “lockdown” dahil sa COVID-19 outbreak.
Nang malaman nila SKPMFC Force Commander Lieutenant Colonel Roy Romualdo, Lieutenant John Paul Agod ng 43rd Special Action Company (SAC) ng Special Action Force (SAF), at PNP Advisory Council Chairperson Mrs. Roanne Michelle Alberto, kasama ang NAVARRA Philippines, kaagad nilang pinuntahan ang bahay ni Lolo Felipe upang hatiran ng tulong.
Matapos silang magbigay ng tulong kay Lolo Felipe, sinabihan siya ni Colonel Romualdo na gumawa ng video tungkol sa kalagayan sa buhay at hirap na dinadanas ng pamilya ni Lolo Felipe upang maka-apela sila ng tulong sa mga may mabubuting mga puso na handang tumulong sa katulad ni Lolo Felipe. (RAMIL H. BAJO via MINDANAO DESK/PHOTO CREDIT TO PATROLWOMAN MARY EILEEN BAUTISTA PCAD-PNCO OF SKPMFC)
One thought on “PHOTO NEWS: SKPMFC, 43RD SAC-SAF, PNP ADVISORY COUNCIL, NAVARRA PHILIPPINES NAGHATID NG TULONG SA 86-ANYOS NA MATANDA NA MAG-ISANG BINUBUHAY ANG MISIS AT 3 NA ANAK NITO NA MAY MGA DIPERENSYA SA PAG-IISIP”
Comments are closed.
Hello good evening. Pwd po ba ako magask if may contact no.kayo Kai Lolo felipe.im not sure Kung kapated ba siya Ng Lolo ko pero since Aloba kc din ung surename. Frm bantayan Cebu po kc ung origin place Nila.