
PHOTO NEWS: Kongresista sa South Cotabato pinakyaw ang lahat na mga gulay sa Lake Sebu at ipinamahagi sa “poor communities” at “informal settlers” na apektado ng COVID-19
KORONADAL CITY, Philippines — Pinakyaw ni Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez ang lahat na mga gulay sa Barangay Ned sa bayan ng Lake Sebu upang ipamahagi ito sa “poor communities” at “informal settlers” sa siyudad na ito at sa ibang mga bahagi ng probinsya nito.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon sa inisyal na ulat na natanggap ng DIYARYO MILENYO, mahigit 500 na mga pamilya na ang nakatanggap ng nasabing ibat-ibang mga uri ng gulay.
Ipinamahagi ang nasabing mga gulay sa tulong at kooperasyon nila Ester Marin Catorce at Chow Rodriguez na pawang kilala na mga komentarista ng BRIGADA NEWS FM sa probinsya ng South Cotabato.
Sa mensahe na pinoste ni Ester Marin Catorce sa kanyang “fb account,” sinabi nito na pinakyaw ni Congressman Hernandez ang lahat na mga gulay sa Barangay Ned upang matulungan ang “vegetable farmers” doon.
“Nabubulok lang kasi ang mga gulay nila doon dahil hindi nila maibaba sa patag at wala ring buyers,” sabi ni Catorce. (RAMIL H. BAJO via MINANAO DESK/PHOTOS CREDIT TO ESTER MARIN CATORCE)