Photo News

PHOTO NEWS: Pamilya na mula sa Malita, Davao na na-stranded sa probinsya ng Sultan Kudarat dahil sa “quarantine” kumain na lang ng mga “uod” para mabuhay

SULTAN KUDARAT, Philippines — Isang pamilya ng “sugarcane worker” (or taga-putol ng mga tubo) ang nag-uulam na lang ng “uod” para may makain lang sila matapos maubos ang dala nilang suplay ng pagkain.

Ayon sa pinosteng mensahe ni Michelle Lawrence Sevilla Gallano sa kanyang FB account, sinabi nito na residente ng bayan ng Malita sa probinsya ng Davao del Norte ang nasabing pamilya at na-standed sa Barangay Dukay sa bayan ng Esperanza sa probinsya ng Sultan Kudarat matapos maabutan ng “lockdown” doon.

92944870_154074816144700_1847018520634720256_n

Ayon kay Ms. Gallano, wala ng makain ang nasabing pamilya dahil ubos na ang dala nilang bigas at ulam at para mabuhay, tiniis na lang nilang kumain ng “uod.”

“They are 5 in the family. Wala silang bahay at palipat-lipat lang sila kung saan may tapas ng tubo (sugarcane) doon sila namamalagi,” sabi ni Ms. Gallano.

Kaya umaapela si Ms. Gallano ng tulong mula sa iba para matulungan ang nasabing pamilya.

Sa huling balita na natanggap ng DIYARYO MILENYO, ipinahanap kaagad ni Esperanza Mayor Charles Plotena ang nasabing pamilya para matulungan sila.

Napag-alaman na si Mayor Randy Ecija Jr. ng bayan ng Senator Ninoy Aquino sa probinsya ng Sultan Kudarat ang nagdesisyong magpadala din ng tulong para sa nasabing pamilya matapos nitong mabasa ang istorya ng kalagayan nila na pinoste ng MAX FM Tacurong City. (RAMIL H. BAJO via MINDANAO DESK/PHOTO CREDIT TO MS. MICHELLE LAWRENCE SEVILLA GALLANO)