Photo News

PHOTO NEWS: Taus-pusong pasasalamat ang naging pagtugon nila Tatay Lante at Nanay Meding sa mga tumulong sa kanila sa kabila ng ECQ at Lockdown sa Cavite

Taus-pusong pasasalamat ang naging pagtugon ni Tatay Florante (Lante, 70) at Nanay Remedios (Meding, 75) sa naghatid ng tulong para sa kanila ngayong araw matapos naming iposte at mag viral ang kanilang larawan sa social media nitong Abril 14, 2020.

Talaga namang kumurot sa puso nang ilang mga nakakita sa aming ipinoste na larawan ng dalawang matandang mag-asawa na may karamdaman at naninirahan sa Dasmariñas City Cavite. Dahil sa marami ang nakapansin sa kanila ay agad namang may tumugon sa mag-asawa. Si Jennifer Jane Agno, isang certified nurse at guro sa Dasmariñas City, Cavite.

Sa nakuhang impormasyon ng DIYARYO MILENYO mula sa anak nila tatay Florante na si Desiree Molines. Aniya, nagpadala daw ng mensahe si Ms. Jennifer at ito ay nagsabi na sila ay nais magbigay ng kaunting tulong para sa matandang mag-asawa.

Dahil sa lockdown at may kalayuan ang tirahan ni Ms. Jennifer ay pinapunta na lamang niya ang kaniyang ina na nasi aling Pina Yap sa talyer nila Tatay. Aniya may kalapitan lamang daw ang tinitirahan ni aling Pina sa mag-asawa. Nag-abot ang mag-ina nang bigas at cash sa dalawang matanda at ito ay lubos na ikinalugod ng mag-asawa dahil hindi nila lubos akalain na may tutulong sa kanila.

IMG20200417070021

Samantala, nalaman nang DIYARYO MILENYO na matagal na pa lang magkakilala sila aling Pina at ang mag-asawa. Aniya, dati pa lang naghahatid-sundo si tatay Florante sa anak ni aling Pina na si Jennifer sa isang private school na pinag-aaralan din ng anak nila tatay Florante noon. Mahigit 15 taon na silang hindi nagkikita. Nang magtungo si aling Pina sa talyer ni Tatay Lante ay hindi agad na-recognized ni nanay Meding ang mukha at pagkakakilanlan kay aling Pina dahil sa malabo na ang mata ni nanay Meding at may katarata pa ito.

IMG20200417075239

Makikita sa larawan ang masayang pag uusap ng matatanda at kanilang binalikan ang mga panahong sila ay malakas pa.

*Para sa nais magabahagi nang tulong kina nanay Meding at tatay Florante. Mangyari lamang na magpadala ng mensahe sa kanilang anak na si Desiree Molines sa facebook account nito. Maraming salamat, kaMilenyo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.