86-anyos na Lolo natuwa sa ibinigay na tulong sa kanya ng mga empleyado ng DPWH sa probinsya ng Sultan Kudarat  

Read Time:1 Minute, 59 Second

ISULAN, Sultan Kudarat — Halos mapaluha sa tuwa si Lolo Felipe Abalo ng iabot sa kanya ng isa sa mga empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang malaking karton, kung saan naglalaman ng ibat-ibang uri ng mga grocery, na may kasamang bigas at bottled mineral waters sa harap ng kanyang sira-sirang bahay sa Purok Sikat sa Barangay Bambad sa bayan na ito.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Si Lolo Felipe ay 86-anyos na at nag-iisang bumubuhay ay nag-aalaga sa misis at tatlong anak na lalaki nito na lahat ay may diperensya sa kanilang mga pag-iisip. Binubuhay ni Lolo Felipe ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga gulay at bunga ng mga niyog na itinanim nito sa kanilang bakuran.

Ayon sa report, kung minsan, isang beses sa isang araw lang sila kumakain pag hindi nakabenta si Lolo Felipe sa itinitinda nitong mga gulay. Mas lalong lumala ang kanilang sitwasyon ng magpatupad ng “quarantine” at “lockdown” ang bayan ng Isulan at ang probinsya ng Sultan Kudarat dahil sa COVID-19 outbreak, kung saan bawal ang lumabas para maglako ng mga paninda.

Nakuha ni Lolo Felipe ang pansin ng mga empleyado ng first district engineering office ng DPWH sa Sultan Kudarat matapos nilang mapanood ang video na pinoste ng Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (SKPMFC) sa social media. Sa nasabing video, mapapanood ang kaawa-awang kalagayan ni LOlo Felipe kasama ang misis at tatlong anak na lalaki na lahat ay may diperensya sa pag-iisip.

Ang layunin ng SKPMFC ay upang humingi ng dagdag na tulong para sa nasabing matanda at sa kanyang pamilya. Nagbigay na ang SKPMFC ng tulong sa nasabing matanda.

Matapos mapanood ang nasabing video ng pamilya ni Lolo Felipe, kaagad na nag-ambag ambag ang nasabing mga empleyado ng DPWH at ipinamili ng mga grocery, bigas at bottled mineral waters para ibigay sa nasabing matanda.

“Parang dinurog talaga ang puso ko ng makita ko ang kaawa-awa nilang kalagayan,” sabi ng isa sa mga empleyado ng DPWH sa Sultan Kudarat.

Pagkatapos na maibigay ang nasabing tulong nila kay Lolo Felipe at sa pamilya nito, kaagad namang nag-ikot sa ibat-ibang bahagi ng Purok Sikat ng nasabing barangay ang mga empleyado ara ibigay ang inihanda nilang grocery packs para sa mga taong may kapansanan, or yung tinatatawag ng gobyerno na “PWD.” (CONTRIBUTED BY ABDUL CAMPUA via MINDANAO DESK)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PROVINCIAL NEWS: Pumalo na sa 48 confirmed cases ng COVID-19 ang buong probinsya ng Quezon
Next post PHOTO NEWS: Mayor ng T’boli nagpasalamat sa donasyong ibinigay ng BIOTECH-KCC para sa anti-COVID frontliners ng munisipyo

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d