
PHOTO NEWS: Netizen hinihikayat ang mga taga-Luzon na tularan ang “No Movement Day” ng Koronadal City
SOUTH COTABATO, Philippines — Hinihikayat ng isang “netizen” ang mga tao sa Luzon na tularan ang ipinatupad na “No Movement Day” ng Koronadal City, kung saan tuwing araw ng linggo “bawal” ang lumabas o galawan sa mga daan nito.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang Koronadal City ay ang “administrative seat” ng Region 12.
Sa pinosteng mensahe ng netizen na si “Ru Bascon Durana” sa kanyang FB account, sinabi nito na “Luzon maging inspirasyon nyo po sana ito,” kung saan ipinapakita nito sa pinosteng mga larawan ang malinis at tahimik na mga daan ng nasabing siyudad.
Wala kang makikitang mga tao at pribadong mga sasakyan na gumagalaw sa mga kaye at sa mga national highway nito, except sa mga fontliner na naghahatid ng mga serbisyo at bahagi ng anti-COVID efforts ng city government.
Ang nasabing poste ni Ru Bascon Durana ay nakakuha ng malapit sa 500 na “likes” at 106 na positibong mga komento sa netizens. Nakakuha rin ito ng 2,600 “shares.”
Pinasalamatan ni Ru Bascon Durana ang mga hanay ng PNP, AFP, LGU volunteers, health workers at iba pang frontliners na nagsasakripisyo para protektahan ang mga residente laban sa COVID-19. (RAMIL H. BAJO via MINDANAO DESK/PHOTOS CREDIT TO THE FB POST OF RU BASCON DURANA WHO SAID “PHOTOS CREDIT TO THE OWNER”)