PHOTO NEWS: Polomolok vegetable farmers nagpasalamat kay Congresswoman Shirlyn Bañas

Read Time:1 Minute, 25 Second

SOUTH COTABATO, Philippines — Abot-langit ang pasasalamat ng “vegetable farmers” ng Barangay Maligo sa bayan ng Polomolok kay South Cotabato 1st District Congresswoman Shirlyn Bañas matapos silang matulungan nito na maibenta lahat ang kanilang produktong mga gulay.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

“Dako among pasalamat kay Congresswoman Shirlyn Bañas sa iyang pag adto ug pagtabang sa amo na makakita mi ug buyer sa among mga gulay diri sa Maligo,” sabi ni Kapitan Eliseo “Kayot” Canarejo, Sr. ng Barangay Maligo.

Ayon sa report na natanggap ng DIYARYO MILENYO, ang nasabing “vegetable farmers” ay mga supplier ng mga gulay sa bayan ng Polomolok at General Santos City. Nawalan sila ng “access” sa kanilang mga market matapos magpatupad ang gobyerno ng “enhance community quarantine” dahil sa banta ng COVID-19.

Nang malaman ni Congresswoman Bañas ang nasabing problema ng mga magsasaka doon, kaagad niya itong pinuntahan at tinulungan na maibenta ang lahat na “unharvested” at “ready-to-be-harvested” na mga gulay nila.

Ayon sa statement na pinoste ni Congresswoman Bañas sa kanyang social media account, sinabi nito na tinulungan siya ni Mayor Ronel Rivera ng General Santos City at South Cotabato 2nd District Congressman Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez na maibenta ang nasabing mga gulay ng mga magsasaka sa Barangay Maligo, kung saan matatagpuan sa paanan ng Mt. Matutum.

“Mayor Rivera immediately purchased vegetables for the Central Kitchen of Gen. Santos city which provide meals for the frontliners. Congressman Hernandez on the other hand assisted in connecting the farmers of Maligo to a major food distributor in the City of Koronadal which will purchase their available vegetables and sell it in South Cotabato,” sabi ni Congresswoman Bañas. (RAMIL H. BAJO via MINDANAO DESK/PHOTO CREDIT TO 1ST DISTRICT SOUTH COTABATO CONGRESSWOMAN SHIRLYN BANAS)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PHOTO NEWS: Netizen hinihikayat ang mga taga-Luzon na tularan ang “No Movement Day” ng Koronadal City
Next post PHOTO NEWS: 2 Kongresista ng South Cotabato at mayor ng GenSan nagkaisa para tulungan ang vegetable farmers ng Polomolok

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: