PROBINSYA

PROVINCIAL NEWS: Pumalo na sa 48 confirmed cases ng COVID-19 ang buong probinsya ng Quezon

Sa pagpapatuloy ng pagpapalawig sa Enhance Community Quarantine sa buong luzon, umakyat na sa 48 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong probinsiya.

Sa datos na inilabas ng Quezon PIO sa kanilang Facebook page, nananatili sa Lucena city, kabisera ng probinsiya, ang may pinakamataas na kaso na umabot na sa 16. Tig-pito Naman sa Tayabas city at  Calauag, Quezon.

Apat ang naitala sa Candelaria habang tig-tatlo Naman sa Unisan at Sariaya, dalawa sa Pagbilao.

Mayroong tig-isang kaso naman sa mga munisipalidad ng Sampaloc, Infanta, Tiaong, Pitogo, Real at Lopez. Tatlo sa mga ito ang gumaling habang anim ang kumpirmadong nasawi.

Sa kabuuan, sa datos na inilabas ng Department of Health, as of April 19, mayroon nang 6,259 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas, 572 ang matagumpay na gumaling habang 409 ang nasawi.

Samantala, nilinaw ng probinsiya na patuloy pa ring tatanggap ng COVID at NON-COVID patients  ang kanilang ospital upang patuloy na magserbisyo sa gitna ng kinakaharap na krisis habang namahagi naman ng karagdagang kagamitan  ang provincial  government para sa mga frontliners. (PAOLO MENDEZ)