PHOTO NEWS: Residente ng isang bayan sa probinsya ng Sultan Kudarat ibinalik ang P5,000 na SAP-DSWD cash assistance para makatulong sa iba

0 0
Read Time:1 Minute, 1 Second

SULTAN KUDARAT, Philippines — Umani ng mga papuri at isang sakong bigas ang ginawang pagsauli ng isang residente ng bayan ng Senator Ninoy Aquino sa probinsya ng Sultan Kudarat ng P5,000 na kanyang natanggap na “Social Amelioration Program” mula sa DSWD matapos malaman na nakatanggap na ang kanyang misis na nasa ibang lugar.

Nagulat ang taga-MSWDO ng biglang dumating si Manong Alvin Genellaro ng Barangay Basag ng nasabing bayan at sabay sabi na isasauli nito ang natanggap na P5,000 na “SAP” cash assistance dahil nakatanggap na ang kanyang misis na nasa ibang lugar.

Ayon kay Manong Alvin, isinauli niya ang pera para makatanggap ang ibang pamilya na nangangailangan. “Nakatanggap na ang misis ko sa ibang lugar kaya isinauli ko sa gobyerno,” sabi ni Manong Alvin.

Buong pagmamalaki namang sinabi ni Mayor Randy Ecija Jr. sa kanyang FB account na “TAGA SNA PO IYAN. IBA PO ANG TAGA-SNA HONEST.”

“Mabuhay po kayo Kuya Alvin. Pagpalain po kayo ng Diyos Maykapal,” sabi ni Mayor Ecija.

Dahil natuwa sa ipinakitang katapatan ng isa sa kanyang mga residente, sinabihan niya si Manong Alvin na pumunta dahil bibigyan niya ito ng isang sakong bigas. (RAMIL H. BAJO via MINDANAO DESK/PHOTO CREDIT TO KAGAWAD ORIZAL)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: