PHOTO NEWS: Tropa ng South Cotabato PNP namigay ng grocery pack sa isang mahirap na pamilya sa Koronadal City
SOUTH COTABATO, Philippines — Tuwang-tuwa ang isang pamilya sa Koronadal City dahil sa grasya na natanggap nila mula sa tropa ng South Cotabato Provincial Police Office (SCPPO) ng Police Regional Office (PRO) 12.
Ngayong-araw, nagulat ang pamilya ni “Nanay Maryjane Castro” ng Barangay Morales ng nasabing siyudad ng dumating sa harapan ng kanilang bahay ang tropa ng SCPPO-PRO 12 at may dala ito na 15 kilos na bigas at mga grocery items.
Ayon sa PRO-12, mahirap ang kalagayan ng pamilya ni Nanay Maryjane dahil “no work, no pay” ang estado ng income nilang mag-asawa. Pito ang kanilang mga anak at dalawa ang kanilang apo.
Isa lamang si Nanay Maryjane sa libo-libong mga residente na apektado ng “quarantine” at “lockdown” na ipinatupad ng city at provincial governments dahil sa COVID-19 outbreak. (RAMIL H. BAJO via MINDANAO DESK/PHOTO CREDIT TO SCPPO-PRO 12)