GMA KAPUSO FOUNDATION INC. NAGHATID NG RELIEF GOODS SA TAGA BRGY. PALIPARAN 3 DASMARIÑAS CITY CAVITE

Read Time:1 Minute, 41 Second

BRGY. PALIPARAN 3, DASMARIÑAS CAVITE — Sa kabila nang pagpapatupad ng Extreme Enhanced Community Quarantine sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas Cavite ay matagumpay na naihatid ang tulong mula sa GMA KAPUSO FOUNDATION INC katuwang ang ilang AFP officers at nang Pamunuang Barangay Paliparan 3 nitong Martes, Abril 21, 2020.

FB_IMG_1587557111203

Sa pakikipag-ugnayan ni Ms. Cristy Betonio ng GMA KAPUSO FOUNDATION INC. sa butihing Punong Barangay Ely Guimbaolibot ay naisagawa nang matagumpay ang pagbibigay ng relief goods para sa higit na naapektuhan ng COVID-19 pandemic nilang mga kabarangay na mahihirap mula Phase 1 at Phase 2 excess lot (SAMADASBA at SAWATAPA).

FB_IMG_1587557116899

Halos walang mapaglagyan ang tuwa’t saya ng ilang mga targeted beneficiaries na nakatanggap ng tulong sa nasabing excess lot ng Brgy. Paliparan 3. Aniya, mahigit isang libong target beneficiaries lamang ang kanilang naabutan ng food packs. Ito ay base sa tulong na ibinahagi ng GMA KAPUSO FOUNDATION INC.

FB_IMG_1587572360205

FB_IMG_1587557124236

Sa ipinoste ni sir Marlon Mancio, facebook Admin ng Brgy. Paliparan 3, taus-puso ang kanyang pasasalamat sa pagtugon ng GMA KAPUSO FOUNDATION INC at ang pagiging tulay ng kanilang Punong Barangay.

“Salamat po sa bumubuo ng KAPUSO FOUNDATION lalo na kay ma’am Mhel Tiangco sa kanyang programa at sa kanyang staff na sumuporta sa amin para sila’y makapunta sa ating barangay at sa mga Marines na kasama naghatid ng tulong at higit sa lahat sa mga sponsors. Salamat kapitan Ely Guimbaolibot ikaw ang naging tulay para ipaabot mo sa GMA 7 Kapuso Foundation ang kalagayan ng ating barangay. God bless Paliparan 3”

FB_IMG_1587557134162

Sa ipinoste naman ng Brgy. Secretary Jeanerose Garabiles sa kaniyang Facebook account, kanyang ipinahayag na matagal ng kakilala ni Kap. Ely Guimbaolibot si Ms. Cristy Betonio ng GMA Foundation.

Aniya, taong 2016 ay nagkaroon na ng programa sa Health Center ng Brgy. Paliparan 3 si Kap. Ely katuwang si Ms. Cristy ng GMA Foundation.

FB_IMG_1587564540403

Samantala, inaasahan na maghahatid muli ng tulong ang GMA Kapuso Foundation Inc. sa iba’t ibang lugar sa Cavite. | via Cavite Desk | REX MOLINES | PHOTO CREDIT TO MR. MARLON MANCIO & MS. JEANEROSE GARABILES

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PHOTO NEWS: Pangarap ng isang senior citizen tinupad ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu
Next post PHOTO NEWS: Pagbati at mensahe ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu para sa Ramadhan 2020  
%d bloggers like this: