
PHOTO NEWS: Pangarap ng isang senior citizen tinupad ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu
MAGUINDANAO, BARMM — Tinupad ngayong-araw ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang matagal ng pangarap ng isang senior citizen sa bayan ng Rajahbuayan sa probinsya ng Maguindanao na mapalitan ng totoong wheelchair ang ginagamit nitong “improvised” na wheelchair.
Makikita sa larawan na binubuhat ng mga miyembro ng Maguindanao relief operation team ang nasabing senior citizen para ilipat sa bagong wheelchair nito na ibinigay ni Governor Mangudadatu para sa kanya.
Ang nasabing “improvised wheelchair” nito ay gawa lang ng kanyang pamilya. Hindi sila makabili ng bagong wheelchair dahil sa kahirapan.
Natupad ang pangarap ng nasabing senior citizen dahil sa tulong ng mga miyembro ng Maguindanao relief operation team na nakakita sa kalagayan nito habang nakaupo sa “improvised wheelchair” nito.
Ayon sa report, naaantig ang puso nila sa kalagayan ng matanda at kaagad nila itong ipinarating kay Governor Mangudadatu. Mabilis naman ang naging aksyon ng nasabing gobernadora.
Maalala na noong panahon ng kampanya, sinabi at ipinangako ni Governor Mangudadatu na magiging kabilang rin sa kanyang mga prayoridad ang pagbibigay-halaga sa mga kapakanan ng mga senior citizen. (RAMIL H. BAJO via MINDANAO DESK/PHOTO CREDIT TO GOBYERNONG MAY MALASAKIT SA MAGUINDANAO)