BUSINESS INSIGHT

Sealed with Pure Garlic

GREEN MANNA4
Green Manna Avenue – Crunchy Garlic with Olive Oil

Tayong mga Pinoy ay sobrang hilig nating kumain at nakakaisip tayo ng mga lutuin na talaga namang nagbibigay ‘satisfaction’ sa ating panlasa at kahit tipid pa tayo sa mga rekado ngayong panahon ng lockdown ay nagagawan pa rin natin ng kakaibang ‘twist’ o timpla at lasa ang ating mga lutuin.

Kaya naman, nadiskubre ng DIYARYO MILENYO ang Green Manna Avenue – Crunchy Garlic in Olive Oil na sariling gawa nang magkakaibigan na aming nakilala sa social media. Ang Green Manna Avenue – Crunchy Garlic in Olive Oil ay isang healthy food and it can be served as an essential condiments to boost your appetite. Perfect match ito for all your kind of dishes. Dahil ang pangunahing sangkap na kanilang gamit ay bawang at olive oil. Ito ay maaring gawing toppings para sa iyong mga paboritong ulam gaya ng pritong isda, manok, baboy, at sa ginisang gulay, at pwedeng pang toppings sa lugaw at iba pang lutuin na trip mong babagay sa iyong panlasa.

RUNNING A SUCCESSFUL SEASONAL BUSINESS

Nakapanayam nang DIYARYO MILENYO ang mga nangangasiwa ng Green Manna Avenue – Crunchy Garlic in Olive Oil na sila Ms. Lanie Lyn Alforque, Ms. Mitch Vitaliano, at Ms. Venus Condes na talaga namang very hands-on ang tatlong magkakaibigan sa pagpapatakbo ng napili nilang negosyo. Kasalukuyang namang nagtatrabaho si Ms. Alforque sa isang kilalang French restaurant sa Makati Avenue bilang Operations Manager. Aniya, nagsimulang mabuo ang konsepto ng kanilang produkto habang nagki-create silang magkakaibigan ng mga unique gift items para sa Christmas season noong 2017. Madalas ang nagiging part-time business nila ay seasonal at ngayon ay nagpokus na sila sa negosyong kanilang sinimulan unexpectedly at para masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Aniya, sinimulan nila ang kanilang maliit na negosyo sa pamumuhunan lamang ng mahigit P5,000 piso. “We created our small business which is Greenmanna crunchy garlic in olive oil out of our passion to put good use of the talent and skills that God give us. Also to offer employment rooted with right values.” saad ni Ms. Alforque.

FROM PEELING TO PACKAGING TO DELIVERY

Aniya, magdadalawang taon na rin sila sa pagbebenta ng kanilang produkto. Maingat nilang ginagayat ng manipis ang mga bawang na gagamitin para ito ay lutuin gamit ang olive oil at iba pang natural herbs na pampalasa para mapalabas nito ang taglay na aroma sa kanilang produkto. Sila na rin ang nagseselyo (sealed and packaging) nito. “While we are still working to have our commissary we are using the comfort of our kitchen at home” dagdag pa ni Ms. Alforque.

Sa pagbebenta ng kanilang produkto ay mayroon silang resellers, ilan dito ay ang mga dati na nilang mga customer na talaga namang tinatangkilik ang timpla, lasa at sustansyang hatid ng kanilang produkto na may magandang epekto sa ating katawan at kalusugan.

100% NATURALLY MADE WITH GARLIC THAT CAN BOOST YOUR APPETITE AND PROVEN HEALTH BENEFITS

“Let food be thy medicine, and medicine be thy food” isa sa mga famous ancient Greek Physician Hippocrates.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto sa medisina, mayroong labing-isang (11) health benefits ang makukuha sa bawang para sa ating kalusugan at ito ay kabilang din sa pamilya ng sibuyas o Allium. Narito ang ilang mahalagang benepisyo na dapat ninyong malaman;

Una, ang bawang ay mayroong potent medicinal properties dahil sa contain compounds nito; nagtataglay ang bawang ng Manganese: 2% of the Daily Value, Vitamin B6: 2% of DV, Vitamin C: 1% of DV, Selenium: 1% of DV. Fiber: 0.06grams, at mayroong decent amounts ng calcium, copper, potassium, phosphorus, iron and vitamin B1. Pangalawa, highly nutritious ngunit kakaunti lang ang Calories nito. Pangatlo, mabisang pangtanggal ng lagnat o common cold. Pang-apat, mayroong natural antibiotic na maaring magpagaling ng mga sakit gaya ng altapresyon na kayang pababain ang blood pressure. Pang-lima, nagpapababa ng lebel ng ating Cholesterol at kayang makontrol ang Heart disease o atake sa puso. Pang-anim, mayroong Antioxidants na maaring ma-prevent ang Alzheimer’s disease at Dementia. Pang-pito, ito ay maaring magpahaba ng buhay at mapalakas ang immune system. Pang-walo, mabisang supplement ito para sa mga Athletic for ‘performance enhancing’ lalo na kung over fatigue. Pang-siyam, nakakapag-detoxify o detoxification. Pang-sampu, maaring matulungang mapatibay ang ating mga buto. At pang labing-isa, ang bawang ay maaring isabay sa ating diet at pandagdag lasa sa ating mga pagkain o lutuin.

FLAVOURS THAT YOU CAN CHOOSE FROM

Mayroong dalawang klaseng variant or flavour ang maaari ninyong pagpilian; original at spicy flavour. Mabibili sa halagang Php180.00 ang original flavour (200g) at Php185.00 naman ang spicy flavour (200g). Para sa mga nais mag-order ay maari ninyong tawagan ang Greenmanna Crunchy Garlic in Olive Oil sa numerong 0995-770-9843 o kaya naman bisitahin ang official Facebook page nila; http://www.facebook.com/Greenmanna Avenue

ADVICE FROM THE GREEN MANNA AVENUE; USE THE 5F’S 

Para sa mga nagnanais pumasok sa ganitong uri ng negosyo ay nagbahagi nang ilang payo ang pamunuan ng Green Manna Avenue na maari ninyong gawin gamit ang  kanilang 5F’s;

LANI
From top to left; Mitch Vitaliano. Lanie Lyn Alforque. Venus Condes

Focus on your Goal – madaming distraction along the way. Minsan akala mo opportunity ‘yun pala distraction.

Flexibility is the key – marami kang ma-eencounter na roadblocks sa business, minsan may set back at redirection din.

Faith – Have faith in God that He have planted well that dream in your heart and He is faithful to His promises; “For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Fire – ready, aim, and never forget the fire. Make sure to let the fire passion to continue burn in you, especially during the times of setback and redirection. This is the best time to regroup and realign each other to your Goal – Aim then Fire again.

Friendship – there are instances that you need to evaluate the level of your friendships once you and your closest friends were entering a business. Kung makakasira lang din ang relationship over business matter, think million times and chose the highest purpose ‘Love and Passion’.

“We always choose the higher purpose hence we put Premium to Relationship and Product Quality and to be a primary appetizer in every meal.” pagtatapos ni Ms. Alforque. (REX MOLINES. PHOTO CREDIT TO GREEN MANNA AVENUE)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.