PHOTO NEWS: Pagbati at mensahe ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu para sa Ramadhan 2020  

Read Time:56 Second

MAGUINDANAO, BARMM — “Ahlan Wasahlan Ya Sahro Ramadan Al Mubarak.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Isang malugod at taimtim na pagbati sa pagbubukas ng banal na buwan ng Ramadhan. Alam ko na kakaiba itong paggunita natin ngayong taon, isang pagsubok ang sumalubong sa atin. Tayo ay nahaharap di lamang sa COVID-19 kundi sa banta rin ng seguridad. Marami tayong pinagdadaanan ngunit walang pagsubok ang hindi natin malalampasan.

Lagi nating isapuso at isaisip ang intensyon natin sa ating pag-aayuno at bawat dasal. Gawin nating makabuluhan ang bawat araw na dumadaan sa ating buhay. Bilang isang ina at magulang, patuloy nating gabayan ang ating mga anak sa matuwid na landas.

Isa sa mga pinakadalangin ko ang kaginhawaan at kapanatagan ng lahat sa ating lalawigan. Kung meron man tayong sakit ng loob at masamang nagawa sa ating kapamilya,kapitbahay, kaibigan o malapit sa buhay, HUMINGI PO TAYO NG KAPATAWARAN. Dahil ang buwan ng Ramadhan ay ang buwan ng KAPATAWARAN AT PAGBABALIK LOOB SA ALLAH S.W.A.T.

Sa muli ang aking pagbati sa bawat isa, at sama-sama nating labanan ang COVID-19. Ating salubungin ang isang mapayapang buwan ng RAMADHAN.” (via MINDANAO DESK)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post GMA KAPUSO FOUNDATION INC. NAGHATID NG RELIEF GOODS SA TAGA BRGY. PALIPARAN 3 DASMARIÑAS CITY CAVITE
Next post PHOTO NEWS: Greetings and message of Sultan Kudarat Governor Datu Suharto “TENG” Mangudadatu, PhD for Ramadhan 2020

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: