PROBINSYA

May-ari ng paupahang bahay nag-amok, dahil hindi nahatian ng ayudang natanggap ng kanyang tenant na buntis

Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite — Nag-amok ang may-ari ng paupahang-bahay nang hindi ito nahatian ng ayudang natanggap ng kanyang tenant na buntis sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Brgy. Paliparan 3, Dasmarinas Cavite nitong Miyerkules, Abril 22, 2020.

Kinilala ang nasabing may-ari ng bahay na si Zaldy Buison, 40, nakatira sa Blk 61 Lot 13 Phase 2, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City Cavite.

Sa salaysay ng biktima na si Donna Salazar, 28, nangungupahan. Aniya, tanging siya lamang ang nabigyan ng SAP form ng kanilang block leader dahil siya ay buntis. Habang ang kanyang kasamang nanay at lola ay hindi rin nabigyan ng SAP form dahil may nagtatrabahong anak pa sa pamilya at may nakukuhang sustento naman ang kanyang lola. Samantala ang may-ari ng bahay na kanilang inuupahan ay hindi nag-qualified sa SAP dahil ang asawa nito ay OFW at may paupahang bahay.

Ayon na rin sa biktima, umaga palang ng Abril 22, sinabihan siya ng may-ari ng bahay na bigyan daw siya ng pera na ang akala ay nanghihiram ito sa biktima. Bandang tanghali, nagpabalik-balik ito sa bahay nila, tinatanong kung nakuha na ba ang ayuda. Nang kinahapunan, nilapitan na raw siya ng may-ari at may pag-oobligang pag-utos at pagtaas ng boses ang suspek sa biktima kung may plano ba’ng kunin ang pera o wala. Sinabihan pa sila ng may-ari ng bahay na hindi na dapat sila nag-fill up pa ng form dahil hindi naman daw sila pursigidong makuha ang pera at sinasayang lang naman daw nila ang pagkakataon. Tugon ng biktima ay hindi siya pwedeng kumuha ng ayuda dahil buntis siya at maghintay na lamang sa kukuha nito. Panay kalampag na raw sa gate ang suspek na nagdulot ng ingay hanggang sa nagkagulo na sila. Dahil sa tindi ng bangayan ay hinimatay ang isa sa mga kapatid ng biktima na si Almira Salazar, 23 at nabukulan pa ito sa pagkakatumba.

received_587040398575277

Larawan ng lola ng biktima. (Kuha ni Jayson Maglente)

Agad namang nagtawag ng barangay tanod ang pamilya ng biktima. Ngunit hindi na nakipag-areglo pa ang biktima sa may-ari ng bahay. Aniya, mahigit dalawang taon na silang naninirahan doon at maraming beses na rin silang ginugulo ng may-ari ng bahay. Ilang beses na rin nilang naipa-barangay ang suspek noon. Aniya, kapag nag-iskandalo pa rin ito ay agad nilang ipadadakip na ang may-ari ng bahay sa mga otoridad at deretso sa kulungan. Lumalabas din sa naging salaysay ng suspek sa opisina ng barangay na nais nitong makihati sa ayudang natanggap ng kanyang tenant.

Aniya, plano na rin ng pamilya ng biktima na umalis sa inuupahan basta tubusin ng may-ari ang bahay dahil ito ay naka ‘sangla-tira’ sa pamilya ng biktima. | via Cavite desk | from Rex Molines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.