Police Officer namamahagi ng tulong sa kanyang mga kababayan sa Cavite at Laguna sa gitna ng ECQ at Lockdown mula sa kanyang sariling bulsa at kahit pa sya ay isa ring mahirap

Hindi kayang palitan ng anumang bagay ang maaring isukli sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kapwang nangangailangan sa oras ng kagipitan at sakuna kundi ang mga ngiting namumutawi sa ating mga labi.
Kaya naman, nakilala ng DIYARYO MILENYO si Police Officer PSSg Elmer Rojas Belaro, 38, may asawa at dalawang anak na kasalukuyang naninirahan sa Laguna.

Aniya, halos siyam (9) taon na siya sa serbisyo sa pagiging pulis. Mahigit 5 taon siyang na destino sa Dasmariñas City Police Station at isang taon sa Antipolo City Police Station. Siya ay nanirahan din ng halos 27 taon sa Dasmariñas Cavite.
Sa panayam ng DIYARYO MILENYO kay PSSg Belaro. Aniya, ang kanyang mag-anak ay dating nanirahan sa Sitio Pintong Gubat sa Brgy Paliparan 3, Dasmarinas City noong kabataan pa niya. Isang karpentero ang kaniyang ama at ang kanyang ina naman ay simpleng may bahay lamang.
“Kahit anong hirap ng buhay ay hindi gumawa ng pera ang magulang ko sa illegal na paraan” sambit ni PSSg. Belaro.
Aniya, dumating pa sa puntong na demolished ang kanilang tinitirahang bahay sa Pintong Gubat kung kaya isa iyon sa mga dahilan kung kaya lalo siyang naging determinadong makapag tapos ng pag-aaral at mai-ahon sa hirap ang kanyang pamilya. Hindi naging hadlang ang pagiging mahirap niya para mapagtagumpayan ito. Maraming naging balakid at kabiguan subalit nagsumikap at nagsakripisyo pa rin hanggang sa mapagtagumpayan ang buhay at maging ganap na magiting at tapat na Police Officer na naipagmamalaki ng kanyang pamilya, asawa’t mga anak.
Naka ilang ulit na rin siyang nakapanayam at nai ere sa mga television dahil sa kanyang taglay na katapangan at husay sa pag responde sa tawag ng tungkulin kahit ang kanyang buhay ay nalalagay sa bingit ng kapahamakan. At kahit ngayong mayroon na syang asawa at maliliit na anak, hindi naman kalakihan ang kanyang kinikita bilang pulis ay naglalaan pa rin siya ng kaunting maitutulong para sa mga kagaya niyang dumaranas ng hirap ng buhay.


“Hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin kayang kalimutan ang ulam na tuyo, itlog, noodles at sardinas. Alam ko talaga kung paano mamuhay ng kapos, naluluha ako pag naaalala ko ang laging ginagawa ng magulang ko ‘pag nagugutom na kami at wala silang pera, mangungutang ng delata ‘yan at igigisa para ma-sabawan at lahat kaming magkakapatid ay makakain”. Tugon ni PO3 Belaro.
Kaya naman patuloy siyang tumutulong para sa maliliit nating kababayan sa abot ng kanyang makakaya gayun din sa pagtatanggol sa mga karapatan ng ating mga kababayan laban sa mga mapang aping tao bilang bahagi nang kanyang sinumpaang tungkulin. “May ilan ilang naiinggit sa akin at ako ay pilit sinisira at hinuhusgahan may mga nasasagasan tayo sa trabaho natin pero ‘pag alam mong nasa tama ka at wala kang gingawang kabalbalan ay hindi sila magtatagumpay kahit nag-iisa ka lang dahil Diyos pa rin ang mas nakaka alam ng lahat at Siya ang huhusga sa atin sa huli” Aniya.

Bukas ay muli na naman siyang mamimigay ng kaunting tulong sa ilan nating kababayang talagang walang wala. Makikita rin sa mga ipino-poste sa Facebook ang ilan sa kanyang na abutan ng kaunting tulong. Kaya naman, saludo ang DIYARYO MILENYO sa kagaya mo’ng may butihing puso para sa kapwa mahihirap. Mabuhay ka Police Staff Sargeant Belaro! Ulat ni REX MOLINES via DASMARINAS CITY CAVITE. PHOTO COURTESY TO PO3 ELMER BELARO’S FACEBOOK POST
Good Job sir! a smart salute from your CAT commandant HORAY