ESPESYAL

HAPPY MOMS DAY: Celebrating the Mothers’ Day during the quarantine

Pinagdiriwang ang Mothers’ Day o Araw ng mga Ina sa ating bansa tuwing ikalawang linggo sa buwan ng Mayo (May 10, 2020). Ito ang panahon para tayo ay magpasalamat at suklian ang hindi mapapantayang pagmamahal, pag-aaruga, pagsasakripisyo, at pagtugon nila sa lahat ng mga pangangailangan ng mga anak at ng buong pamilya. Tayo ay tunay nilang sinusuportahan sa lahat ng ating mga naisin sa buhay at pangangailangan kahit batid nila ang magiging kahihinatnan nang ating mga desisyon sa buhay.

Ang mga ina ang madalas na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya. Ika nga, isusubo na lang nila kakainin pa natin. Sila ay 24/7 na kumikilos sa loob at labas ng ating mga tahanan kahit walang inaasahang sahod, maaga silang bumabangon para tayo ay paghandaan ng makakain, naglalaba, naglilinis sa loob at labas ng ating mga bakuran, at sila rin ang nag-aayos ng mga gusot sa loob ng ating tahanan. Higit sa lahat, sila ang nagbibigay liwanag at pag-asa sa ating buhay. Kahit na ang ilan sa atin ay hindi kasama ang mga pamilya lalung-lalo na ang ating mga butihing ina dahil sa panahong ECQ at lockdown ang buong Luzon.

Kaya naman, minabuti ng DIYARYO MILENYO na maging daan sa ilan nating mga kababayang nais iparating ang kanilang pagbati ng Happy Mothers’ day para sa mga Superwoman ng kanilang buhay;

96237735_4377520152273341_5563095135043977216_n

Ma’am Ligaya Arao, 62

1. Ma’am LIGAYA M. ARAO, 62

“We all once adore a SUPERHERO. It could be the image of Superman, Spiderman or could just be someone like Wonderwoman. A superhero as described in Merriam Webster; is someone who is a fictional hero having extraordinary or superhuman powers, or someone who has an exceptionally skillfull or successful person. Gladly, I can say that I have met a real life superhero or should I say a “SUPERWOMAN”. Someone I could look up to. Someone I can be proud of and someone I can say as my Best Friend. A hero whose the most strongest, can battle every endeavor in life and would willing to jump, dive, or fly just to provide anything for her loveones. Tough as she deems but her love is like the flowers which are the sweetest. Someone who will punish you when you did wrong and would discipline you but compassionate enough to forgive all your shortcomings, accept your flaws, giving you that warm hugs and smiles. A hero whose heart was so kind that he never gets tired of doing selfless things not only for the family but for those who are in need. A hero who always smiles and just simply beyond beautiful in and out. A hero whose more than just exceptional, for she brought life to me and my siblings and completed our whole lives. This extraordinaire is non other than a 62 years old, single mom, named Ligaya M. Arao. Thank you Mama for being our WonderMama! Happy Mother’s Day. We love you.” (FROM AVA JOSEFINA A. CAS, LAGUNA)

 

Tiya lileng

Angeles ‘Lileng’ Polinag, 71

2. Nanay ANGELES ‘LILENG’ POLINAG, 71

“Hello! Flex ko lang nanay ko na si Angeles Polinag, 71 years old. Bakit siya ang natatanging babae sa aking buhay? Dahil pinalaki niya kami ng maayos at marangal kahit siya ay nag-iisa sa buhay at never syang nag asawa. Oo, biyuda nanay ko. Dahil dun pinasok niya ang ibat -ibang trabaho; mananahi, tindera, ang last ay kasambahay. O, gulat kayo noh! Dahil sa kaniyang kasipagan ay nagkabahay kami. May kasabihan nga na ang asawa ay pwedeng palitan pero ang ating nanay ay hindi kailanman. Kaya mapalad ang isang anak kapag meron siyang ina na handang ialay ang lahat para sa kasiyahan ng kaniyang mga anak. Kaya mahalin mo ang iyong nanay dahil ito ay nasusulat sa bible, EPHESIANS 6:1” (FROM ROSARIO POLINAG, DASMARINAS CAVITE) 

 

Alas

Marisa Alas, 57

3. Nanay MARISA ALAS, 57

“Mama, mader,mudra! Maraming salamat sa perfect mo’ng pagmamahal sa akin. Kahit magkalayo tayo, nandun pa rin ‘yung pag-aalala mo, kinakampihan mo ako sa mga hinanaing ko sa buhay. Kahit sa phone lang tayo nagkakausap iba pa rin yung nasisilayan kita. Ikaw ‘yung nagturo sa akin kung paano ba tumayo sa sariling mga paa? Paano ba makitungo sa ibang tao ng maayos? Yung hindi maging madamot lalo na sa pamilya at mga totoong nangangailangan, lahat ng ito ay itinuro mo sa akin. Kahit magkalayo tayo ngayon, pilit kong pinaparamdam na magkalapit lang tayo kaya nga isang request mo lang tinutupad ko kaagad, ganun kita kamahal, Mama. Walang papantay sa pagmamahal mo at ang pagsukli ko rin nang pagmamahal sa’yo. Patuloy at lagi ako’ng magpapasalamat sa’yo hanggang sa dulo. SALAMAT sa lahat Ma! Happy mothers’ day! (FROM JACQUELINE ALAS, DASMARINAS CAVITE)

 

95949072_2942386342544507_8370996886034710528_n

Narissa Nillas, 37

4. Mama NARISSA NILLAS, 37

“Si mama Narissa, siya ang superwoman ng buhay naming magkakapatid. ‘Di man siya naging mabuting ina pero para sa amin siya naman ang da best na nanay! Isang utos.
Isang sigaw. Ikaw ay mawiwindang, haha! Ang ‘di sumunod tiyak na mababanatan, tiyak na ikaw ay mabibingi sa kanyang mala-armalite na bibig, haha! Di man siya PERPEKTONG INA pero maaasahan naman siya pagdating sa pagkalinga at pagmamahal. Isusubo nalang niya ibibigay niya pa sa aming magkakapatid. Makikita sa kanya ang isang INA na kayang magsakripisyo ‘di man ‘yan alam ng karamihan pero iyan ang makikita mo sa kanya. Ang aking Nanay Narissa, isang INANG maraming IMPERFECTIONS pero siya ay PERFECT MOTHER WITH HER ALL IMPERFECTIONS. Masaya, malungkot, nakakapagod maging isang INA pero alam ko na para sa kanya kami ay KAYAMANAN niya. Ngayon, ako ay isa na ring ganap na ina sa dalawa ko’ng anak. Sisiguraduhin ko na sila ay aking magagabayan at mapo-protektahan at hindi kukunsintihin. Kaya maraming salamat sa’yo, Mama. Naging matatag at matapang ako para harapin ang buhay ng dahil sa’yo. Happy mothers’ day sa’yo sa heaven!” (FROM RISSA NILLAS MARCELLANA, Metro Manila)

 

96396024_1101365173568463_3858956630020325376_n

Teresita ‘Cita’ Rosalijos Alforque, 58 at kanyang apo.

5. Nanay TERESITA ‘CITA’ ROSALIJOS ALFORQUE, 58

“Sa aking Super Mama. Happy Mama’s day! Ikaw ang super Mama ng buhay ko/naming anim (6) na magkakapatid dahil sa iyong walang sawang pagmamahal at suporta. Maraming salamat sa lahat ng hirap, pagod at sakripisyo mapalaki lang kami ng maayos, may respeto sa kapwa, at may takot sa Diyos. Happy Mother’s Day Ma. Thank you and I love you.” (FROM LANIE LYN ALFORQUE, MAKATI CITY)

 

received_2793028820808268

Virginia ‘Viring’ Wanina, 65

6. Nanay VIRGINIA ‘VIRING’ WANIWAN, 65

“Para sa pinakamalakas na babaeng nakilala ko, maraming maraming salamat po sa lahat lahat. Sa pag-aaruga, pag pupuyat para timpalahan ako ng gatas, pag hawak sa aking mga kamay habang pinipilit kong ihakbang ang mga mumunti kong paa, sa pagtuturo kung paano sumulat at bumigkas ng abakada. Marami po’ng salamat sa pang unawa dahil minsan inuumaga na nang uwi galing barkada, maraming salamat po sa pagsabit sa akin ng medalya. Ngayong kaya ko na, hayaan niyo po’ng ako naman ang mag-aruga sa inyo, ang mag puyat para siguraduhing nasa pag kakahimbing na kayo, umalalay sa bawat paghakbang sa mga nananakit niyong tuhod, maging gabay at liwanag sa mga nanlalabo niyong mga mata. Hayaan niyo po’ng suklian ko lahat ng paghihirap niyo sa’kin, dahil kahit minsan hindi ko naramdaman na hindi ako sa inyo galing. MARAMING SALAMAT PO!” #MyWonderNanayViring (FROM ALJERO WANIWAN, JAPAN)

 

received_232114091429369

Nanay Agnes Cayano, 62 & family

7.  Mama AGNES CAYANO, 62

“Happy Araw ng mga Nanay! Especially sa Nanay namin. One of a kind ang celebration ngayon kasi under Quarantine tayo ngayon. Hindi natin magagawa yung usual activities natin during Mother’s Day. Bawi tayo after ng ECQ. Alam mo naman na mahal ka namin kasama ‘yung mga kapatid at pati ‘yung mga Apo mo. Stay Healthy and Stay at Home ka lagi lalo na sa panahon na ito. Again Happy Mother’s day! See you soon, Ma.” (FROM JASON RICK DALIGDIG, PARAÑAQUE CITY)

 

received_985643415204863

Fatima M. Maglente, 49

8. Mama FATIMA MAGLENTE, 49

“Its been a long time since you’re not here in our country. You’ve been missing all the events in our lives most especially in our special days; recognition, début and graduations. You not here because you working so hard to fulfill our financial needs to celebrate our recognitions, debuts, our graduations, and birthdays, etc. You did all your part as our parent, then this is the right time for us to  to do our part as well. It’s time for you and papa to spend time and free yourselves from all stresses that might come. We always pray that one day, you’ll be here with us and we will celebrating lives altogether, eat a lot, travel, and laugh as often. We miss you so much, Mama. Always take good care of yourself in abroad. We will wait for your presence in our home, Ma. Of all those things, we want to greet you a happy mothers day, Mama! We love you!” (FROM JENALYN MAGLENTE, CAVITE)

 

95835722_529790111042266_2088460755719421952_n

nanay Flory Vega

9. Nanay FLORY VEGA,

“No one can ever replace you in my heart. Nanay dear am not kidding you will always be special. You’re there for me to hold and to love. And that’s how your love is simply the best. Happy mothers’ day, Nanay!” (FROM DULCE MINA CANOY, CAVITE)

 

received_817735562084391

Alice de Ramos

10. Mommy ALICE DE RAMOS

“Ikaw ay ang puno at kami ang bunga na sayo’y nanggaling,
Ang mga sanga mo ang siyang yumakap sa gabing madilim;
Gabay at kalinga ang hatid ng iyong mayabong na lilim,
At ang iyong ugat na kapit sa lupa ay nakagagaling.

Di matutumbasan ang lahat ng gabing ginawa mong araw,
Di mapapalitan ang ‘yong pagpapagod na aming natanaw;
Ang bawat sandali na kapiling ka ay di mahihigitan,
Ng kahit anong yaman na nakabubulag at nakasisilaw.

Salamat sa Diyos at ikaw ang handog, aming naging nanay,
Di mapipintasan, walang masasabi sa iyong paggabay;
Sa munting tahanan, ang iyong presensya ang s’ya naming ilaw,
Ang iyong pangaral na hindi maubos ay walang kapantay.

Kami ang sumaksi sa lahat ng iyong sakripisyo’t hirap,
Huwag mong lilimutin na hindi lang dal’wa ang iyong balikat;
Pagkat ang sa amin ay handang sandalan, bigyan lang ng lingap,
Kaming iyong bunga, di ka iiwanan kahit sa hinagap. (FROM KUYASAMI BATHAN DE RAMOS, BATANGAS)

 

96874122_255288382544624_4479491168484196352_n

Glenda Gruta, 38

11. Mama GLENDA GRUTA,

“Flex ko lang Mama ko’ng frustrated singer, at dinaig pa ang Presidente sa pag problema ng mga bagay-bagay at higit sa lahat napaka bungangera, haha! ‘yung tipong nasa gate pa lang nagbubunganga na agad. Pero sa kabila ng mga nakakainis na pagtilaok niya sa umaga, tanghali at pati na rin sa gabi, ang mama ko ang pinaka magandang regalo sa’kin ng Diyos. Lagi siyang nandyan para bigyang kulay ang madilim naming tahanan. Kahit na may mga panahon na ‘di kami magkaintindihan at nagkakasagutan lagi siyang nandyan para intindihin at ibigay ang kailangan namin sa araw araw. Kaya kahit ano’ng mangyari she’s always be my superwoman and my kind of joker. Siya lang ang makakapag paranas sa’kin ng tunay na saya at hangga’t ako’y nabubuhay nangangako ako sa ating May Kapal that I will always be at her side like she did for us. Happy mother’s day Ma, I love you. (FROM GLAIZA GRUTA, DUBAI)

 

81578903_527418971198535_8890237300882014208_n

Remedios Molines, 75

12. Nanay REMEDIOS ‘MEDING’ MOLINES, 75

“Si nanay Meding ang nanay ng lahat, ang ate ng lahat, ang lola ng lahat. Napaka swerte ko na isa ako sa labing isa niyang mga anak. Yes, biologically speaking. Sa dami ng anak niya namamangha pa rin ako kung paano niya na handle lahat? Although namatay na ang apat sa aming magkakapatid. Napakasakit iyon para sa isang magulang na mawalan ng anak, magkasakit nga lang ang maliit mong anak e hindi ka na nga magkandaugaga. Ngayon ako’y isa na ring ina sa tatlo kong anak, napakahirap maging isang ina tatlo pa lang ‘yan pero ang hirap na what more pa kaya kay nanay. Alam ko lahat ng galawan ng aming Nanay; mabait, martir, masipag, masyadong down to earth, at maka-Diyos. Kaso si nanay Meding ang napakadaldal na nanay dahil siguro sa nunal niya malapit sa bibig na nagpaakit kay Tatay, haha! Si nanay ang daming kwento na ikaw na mismo ang susuko, minsan ayoko din magsabi ng sikreto diyan ‘di kasi niya kayang itago, haha! Pero ngayon bilang isang ina na rin, lahat ng dinadanas ko wala pa pala ‘yan sa dinanas ng Nanay ko. Kaya I’m so proud na naging Nanay ko siya dahil napaka tapang at matiising ina niya kahit nahihirapan at malabo na ang mga mata ‘Go’ pa rin siya sa paghahanap buhay. Kaya ngayong mothers day,  ‘Nay. Sana maging okay na ang lahat at love ka namin ng mga anak mo at ng 21 ay este ng magdadalawampu’t-dalawa (22) na mga apo mo. Huwag ka sana mag-sawa sa amin. Happy Mothers day, Nanay we love you and take good care of yourself!” (from DESIREE MOLINES, CAVITE)

—————————-

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.