Banner Story

GOOD NEWS: PANUNTUNAN PARA SA 2ND BATCH NG SAP HINIHINTAY NA LANG. ADDITIONAL NA 5 MILLION PAMILYA, SA 2ND BATCH MAPAPABILANG.

“Hinihintay po namin ang executive order na ilalabas ng Office of the President na nakasaad ang panuntunan sa pamamahagi ng second phase ng implementasyon ng SAP. Kapag lumabas po ‘yun ay doon magbabalangkas ang interagency technical working on SAP ng guidelines para sa implementasyon nito,” DSWD Secretary Rolando Bautista

Bukod dito, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang additional na 5 million na makakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

“Malaking bagay kung magkaroon ng karagdagan na limang milyon na pamilya ang makakatanggap dahil mas marami ang matutulungan ang low-income families upang masustentuhan ang kanilang pangangailangan sa panahon lalo na pambili nila para sa kanilang kakainin,” dagdag ni Bautista.

Samantala, nais ipabatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga nasabing posts mula sa dalawang Facebook page na nagngangalang “DSWD DOLE Assistance” at “DSWD DOLE Support” ay hindi official Facebook pages ng ahensya at ng Department of Labor and Employment – DOLE

Hinihikayat ng DSWD ang publiko na tumingin lamang sa mga opisyal na anunsyo o impormasyon sa official website at social media accounts ng DSWD, DOLE, at mga DSWD Field Offices.

Ipinaglilinaw din ng DSWD na hindi ito nangangalap ng inyong pangalan, lokasyon, at nagpapa-like ng nasabing Facebook pages upang mapasama sa 2nd batch ng ayuda. Mag-report lamang sa inyong LSWDO kung kayo ay hindi pa nakakatanggap ng SAP.

(Ito ang link sa mga nasabing fake DSWD at DOLE Facebook pages)

https://www.facebook.com/dswddoleassistance/

https://www.facebook.com/doledswdsupport/

FB_IMG_1589158920653

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.