
Construction worker na nag poste sa kanyang Facebook account ng 100M pabuya sa makakapatay kay Pangulong Duterte nadakip ng CIDG Aklan
POLICE REPORT | Matapos maaresto kamakailan ang isang guro na nagposte sa kanyang instagram account na 50 million pesos pabuya sa makakapatay sa ating Pangulong Duterte. Isa na namang lalaki ang naaresto ng mga awtoridad na nag poste sa kanyang fb account na 100 million pesos pabuya sa parehong kaso ng pagbabanta sa buhay ni Pangulong Duterte.
Kinilala ang inaresto na si Ronald Quiboyen, 40 isang construction worker at habal-habal driver. Siya ay naaresto ng CIDG AKLAN PFU kahapon ng umaga sa Vargas Compound, Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Malay Aklan.
Ang sinumang mapapatunayang nagkasala o nag poste ng mga ganitong uri ng pagbabanta ay mahaharap sa kasong Inciting to Sedition and Anti-Cybercrime at maaring makulong ng anim (6) na taon.
Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad kung ito ba ay sariling Facebook account ng suspek o Fake account.
Kung may iba pa na nagpapakalat ng mga pagbabanta sa ating Pangulo, mangyaring ipagbigay alam sa mga awtoridad o i-PM ang Diyaryo Milenyo. Via Luzon desk | 📸 courtesy: CIDG AKLAN PFU, CIDG RFU6
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
ESTUDYANTENG BIKTIMA NG HINIHINALANG HAZING, NATAGPUANG PATAY SA IMUS, CAVITE
Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng isang college student sa madamong bahagi sa lungsod ng Imus, Cavite na hinihinalang...
4 Drug Suspek, Timbog sa Pasay City
PASAY CITY --- Arestado ang apat na drug suspect sa ikinasang drug-bust operation ng mga miyembro ng Southern Police District...
Mga miyembro ng PNP, kahit pagod na tuloy pa rin dahil kailangan
by Ramil Bajo, Oct. 30, 2022 BARMM --- Sila ang ating kapulisan, kahit pagod na sila tuloy pa rin dahil...
Pabuya para sa ikadadakip ng Suspek sa pagpatay kay Ka-Percy, Umabot na sa P6.5M
Naglabas ng pinakabagong photo news ang NCRPO para sa ikadadakip ng person of interest sa pagpatay sa kilala at matapang...
Sekyu na nasawi sa pamamaril sa Ateneo de Manila, Bumuhos ang simpatya
Bumuhos ang simpatya sa security guard na nasawi sa Ateneo shooting nitong Linggo, July 24, 2022. Ayon sa isang Facebook...
Social media commentator sa Maguindanao binaril, patay
[via RHB/Photo from Mindanao Voices news blog] (April 15, 2022) --- Patay ang isang kilalang social media commentator matapos umano...