Pahayag ni Gov. Jonvic Remulla kaugnay ng pagsasailalim sa GCQ ng lalawigan ng Cavite at mga dapat ikonsidera sa panuntunan ng LGU’s at ng IATF-EID

Read Time:2 Minute, 49 Second

Cavite, Philippines — Para sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Cavite. Narito ang ilan sa mga naging pahayag ni Gov. Jonvic Remulla ukol sa pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) sa kanilang nasasakupan.

Aniya ng Alkalde, ang GCQ ay HINDI FREEDOM PASS. Ito ay hindi nangangahulugan na magbabalik na sa normal na buhay ang lahat. Ito ay ang paghahanda para magbukas ang ilang mga pabrika at establisimiyento sa lalawigan ng Cavite at maprotektahan pa rin ang kalusugan ng nakararami. Bagamat limitado ang galaw ng lahat, ito ay para bigyan panimula ang pagbubukas ng ekonomiya ng dahan-dahan. Sa pahayag naman ni Spokesman Harry Roque, hindi pa ito ang panahon para bumalik ang lahat sa normal hangga’t walang vaccine ang para sa lahat.

Kaya naman, narito ang ilan sa mga pagbabago na mangyayari sa lalawigan ng Cavite;
1. Magkakaroon ng rebisyon ng Q-PASS sa bawat bayan. IBA PO ANG Q-PASS SA VALID WORKERS ID na valid for travel to work.
– Ang tanggapan ng alkalde ang magbibigay nito. Sila ang magbibigay ng sistema kung paano ang issuance. Hintayin ang patakaran nila.
– Kung ang Q-pass holder ay may trabaho ay maari na mabigyan ang isa pa sa may bahay.
– Ang mag hahanap ng trabaho, ay pwede kumuha ng 1 week (renewable) transit pass mula sa munisipyo.
– Ang senior citizen na siyang natitirang pwedeng lumabas ay pwede rin kumuha ng special Q-PASS mula sa munisipyo. Babala, isa pa rin kada bahay ang pwede.

2. Ang public transportation ay pwede na mag umpisa. Ito ay pagkatapos ng pag ugnayan sa inyong mayor ukol sa mga bagong patakaran.
Halimbawa:
– Ang PUJ/PUB/MULTICAB/BABY BUS (subject to ltrfb rules ang operation ng BABY BUS) ay 50% capacity ang pwede isakay.
– Ang trisekel ay isang pasahero kada biyahe lamang.
– Ang pasada nito ay subject sa agreement ng Mayor at ng mga samahan ng mga driver/operator.

3. Wala pa rin panayam ang IATF ukol sa ‘COUPLES PASS’ para sa motorcycle. Huwag po muna umangal at hintayin natin ang IATF magdesisyon ukol dito.

4. Wala pa rin chismis pass. Kung walang q-pass ay bawal pa rin ang tambay sa lansangan.

5. Pwede na mag bukas ang mga pagupitan at salon subject to social distancing.
– Ang bata (20 years old and below ayon sa IATF) na kailangan magpagupit ay subject sa special transit pass mula sa barangay. Kailangan kasama ang q-pass holder. Hinde po Ito ‘pasyal pass’ para sa pamilya. Isang bata lamang at may oras na nakatakda para dito.

6. Ang liquor ban ay in effect hanggang maipasa ng Sangguniang Panlalawigan ang panukala para sa liquor license law.

7. Ang byahe sa loob ng lalawigan ay pwede na. Halimbawa, ang taga Bacoor na kailangan pumunta sa Mendez ay pwede na. Subject Ito sa 1 day transit pass mula sa Mayor. Hinde po Ito pasyal pass. 1 day lang ang validity at para sa q-pass holder lamang ang pwede mag apply. Ang work ID (halimbawa taga Magallanes na nagtratrabaho sa Yazaki sa Imus) ay pwedeng transit pass. NO NEED TO GET ANOTHER PASS.

8. Para sa ibang katanungan ay tignan ang IATF WEBSITE.

9. Curfew hours are still in effect. 8pm-5am. Except for those with work permits.

Para sa karagdagang detalye at iba pang mga update. Maaring bisitahin ang kaniyang official Facebook page;

https://www.facebook.com/JonvicRemullaJr/

PHOTO COURTESY: FACEBOOK PAGE OF JONVIC REMULLA

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PHOTO NEWS: Soldier, beloved junks C-19’s on hold threat to marriage
Next post BERSO SA DIYARYO MILENYO: KAMATAYAN Ni Lheins Loyola
%d bloggers like this: