BERSO SA DIYARYO MILENYO: KAMATAYAN Ni Lheins Loyola

Read Time:3 Minute, 50 Second

Sa gabi ng aking pag tulog
May tila isang anino na ako’y dinumog
Hinawakan ang aking mga kamay at paa
Dinala ako sa lugar na hindi ko kilala…

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Madilim at mainit na tila napapaso ang aking mga balat
Tanging pighati at pagdurusa lang ang aking nasasalat
Ang amoy na asupre humahalo sa amoy ng nasusunog na laman
Oh ano itong takot na aking nararamdaman…

Nag lakad ako sa hindi kalayuan
Nang biglang may humila sa aking kamay
At ako’y nagulat ng aking tingnan
Isang babae na tila galit na galit
Naging pusa, naging lobo
Siya ay nag papalit palit ng anyo
At ng makabalik sa tunay na anyo
Siya ay nag wika…
“Hindi mo ba alam kung sino ako?
Isa akong makapangyarihang mambabarang sa lupa! Hindi ako dapat na andito! Kung hindi lang to sa Diyos mo at ang kanyang sumpa!”
Mata’y nanlilisig pusong puno ng poot
Ang nag patakbo sa akin papalayo

Ngunit ako’y napahinto sa hindi kalayuan
Isang tinig ng pag durusa ang aking narinig
Ng aking linapitan ako’y kinilabutan
Isang lalaking nag hihinagpis katawa’y nababalutan ng sugat at abo
Laman ay unti-unti kinakain ng mga insekto
“Ayoko na tulongan mo ako” hirap niyang winika
Pero isang nilalang na may buntot at sungay siya ay hinila
At nag sabi “nang gahasa ka at pumatay ng dahil lang sa tawag ng iyong laman! Tapos ngayon kung kelan tapos na dun ka hihingi ng kapatawaran!” Sabay hagupit ng kaniyang latigo sa mga napupunit na laman
Sigaw ay lumakas kasabay ng dugo na nag sitalsikan

Hindi ko kinaya ang aking mga nakita kaya muli akong naglakad
At isang tinig ang aking narinig
“Ayoko na masakit na” makaawa nito
Isang babaeng nakahubad at susu ay tapyas, pepe niya ay nag durugo
“Nag papakasarap ka sa kung kanikaninong lalaki tapos ngayon ayaw mo ako pagbigyan!” Sigaw ng nilalang na may hawak na tila bakal at walang awang pinapasok ito sa kaniyang pribadong katawan
“Sumisira ka ng buhay at masayang pamilya tapos ngayon hihingi ka ng tawad kung kailan huli na!”
Dugo ay lumabas sigaw ay lumakas
“Ayoko na! Ayoko na!” Ngunit sa halip na huminto lalong binilisan…
Ang bakal na labas pasok labas pasok sa kaniyang kasarian

At ayoko ng makita pa ang mga susunod na mangyayari
Muling nag lakad at muling natakot sa aking mga nakita
Isang lalaking hirap na hirap… mata niya ay luwa
At buong katawan niya ay maga
“Wag kang hihinto dahil yan ang gusto mo!” Sigaw ng nilalang at sabay subsob sa lalaking tila nang hihina
“Sa baril ka nabubuhay droga at pera ang diyos mo! Ngayon na pinapagamit ka ng walang hinto aayaw ka!” Sigaw ng nilalang at sabay tingin sa akin
Ang mga mata niyang nanlilisig ang nag patakbo sa akin

“Saglit lang saglit lang” tawag sa akin ng taong halos walang ng mukha
Paa niya’y putol, kamay ay naagnas
Sa mga hirap ng kaniyang dinanas
“Pakawalan mo ako dito at bibigyan kita ng kahit ano” pabulong niya na sinabi sa akin
Na tila takot na baka may makarinig
“Marami akong pera at ibibigay ko yun sa iyo pakawalan mo lang ako” wika niya
Pero isang nilalang na nag tatago sa kadiliman ang sa kaniya’y humila
“Kaban ng bayan ang iyo’y ninakaw
Para masunod lang ang iyong layaw
Tapos ngayon balak mo pang kumawala!”
Pinunit ang kaniyang balat ng walang awa
At kinuha ang kaniyang mga laman
Sigaw ay lumakas kasabay ng dugo na nag sitalsikan

Hindi ko na kaya ang aking mga nasasaksihan
Ako’y tumakbo kahit hindi alam ang patutungohan
Kasabay ng kanilang iyak at pighati
Tumulo ang aking luha
Labis na takot at kalungkotan ang aking nadama

Nais ko man silang tulongan pero ako ma’y makasalanan din
Napa luhod na lang… nanlumo… matinding sakit ang hamahagupit sa aking damdamin

Nang biglang may isang liwanag ang lumapit sa akin
Puso ko’y kumalma, takot ko’y nawala
Tinulongan akong tumayo at ako’y inakay
Napawi ang lungkot na sa akin ay pumapatay

Siya at tumingin sa akin at nag wika
“Wag kang mangamba aking anak
Ang pag mamahal ng Diyos Ama ay walang hanggan
Matuto ka lang humingi ng kapatawaran
At maging mabuti sa kapwa tiyak ang paraisong pangako ang iyong patutunguhan”

Nag lakad kami papalabas ang lugar na aking napuntahan ay hindi na liningon pa…
Sa aking pag gising ako’y nag pasalamat
Dahil ako’y may pag-asa pang baguhin ang aking kapalaran
Ang tanging hiling lang naman ay maging mapaga mahal at gumawa ng mabuti sa kapwa na kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit na anong kayaman. | NI LHEINS LOYOLA | PUBLISHED ON BDEP 06.22.2018 | PHOTO COURTESY TO THE OWNER

-MotherConqueror-

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Pahayag ni Gov. Jonvic Remulla kaugnay ng pagsasailalim sa GCQ ng lalawigan ng Cavite at mga dapat ikonsidera sa panuntunan ng LGU’s at ng IATF-EID
Next post PHOTO NEWS: PRESKO PARA SA PRESO, kakaiba at kauna-unahang programa ang ginawa ng Cavite City Component Police Station at ng CDRRMO

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: