PHOTO NEWS: PRESKO PARA SA PRESO, kakaiba at kauna-unahang programa ang ginawa ng Cavite City Component Police Station at ng CDRRMO
CAVITE CITY, Philippines — Kakaiba at kauna-unahang programa ang ginawa ng Cavite City Component Police Station sa pangunguna ni PLT/Col. Allex Reglos at City Disaster Reduction Risk Management Office para sa mga 230 preso na sabay-sabay na pinaliguan gamit ang fire truck.
Ginawa ang programa na ito dahil sa matinding nararamdamang init ng panahon sa ngayon. Libreng sabon at shampoo ang inilaan ng CDRRMO para sa mga preso.
Layunin ng programang ito na maging maginhawa at presko ang pangangatawan ng bawat preso. Naka-full security ang PNP habang isinasagawa ang programa. VIA CAVITE DESK | FROM SID LUNA SAMANIEGO | PHOTO COURTESY: EPIPANIO DELOS SANTOS AVENUE