
SPORTS NEWS: Kai Sotto sasabak na sa NBA G League
Kinompirma ni Kai Sotto, ang 7-footer-2 sentro sa kanyang instagram post nitong Huwebes na siya ay sasabak na sa NBA G League pro program.
Makakasama ni Kai Sotto ang mga top high school players na sila Jalen Green, Isaiah Todd, at Daishen Nix na naka base sa southern California.
Sa pagtatala, si Sotto ay ika 4 na manlalaro sa Georgia ng Class 2020. Naglaro rin sa Ateneo de Manila High School, NCAA Division, nag-training sa Atlanta based The Skill Factory, at European ball clubs.
Ang G League development program ay bahagi ng NBA professional pathway program at ayon sa nakalap na impormasyon ng DIYARYO MILENYO, maaring sumahod o makatanggap ang elite prospects ng milyong kitaan dito.
Samantala, kaarawan na sa Lunes (May 18, 2020) ni Sotto at siya ay maglalabing walong taong gulang na. Aniya, natupad na nga raw ang pangarap niyang makapaglaro sa NBA G League.
“I think personally the G League is the best route for me to reach my dream, which is to make it to the NBA. I think the G League will be really competitive and it will help me improve,” panayam kay Sotto sa ESPN China. | Via ManiLa desk | DM | PHOTO CREDIT TO PHILSTAR