PHOTO NEWS: Unang araw ng pagbabalik ng mga pedicab driver sa kanilang pamamasada sa lalawigan ng Cavite

Read Time:42 Second

Cavite Philippines — PASADA DE PRIMERA: Matapos ang eksaktong 2 buwang pagpapatupad ng Extreme Enhance Community Quarantine simula ng tumama ang epidemyang Corona Virus (Covid-19) sa buong mundo, ipinahinto ng gobyerno ang pamamasada ng mga pampublikong sasakyan.

Ito ngayon ang unang araw kung saan ipinatutupad ang General Community Quarantine (GCQ) sa buong lalawigan ng Cavite.

received_2961076247315168

Ito rin ang unang araw ng pagbabalik ng mga pedicab driver sa kanilang pamamasada.

Sa pagkakataon na ito, isang pasahero na lamang ang pinapayagang sumakay.

Pinagbabawal din ang pag-angkas sa likod ng driver, alinsunod sa batas na pinapairal.

Malayo ang eksena sa nakasanayang pamamasada.

Ganunpaman, salamat na rin at unti-unti nang ibinabalik ang nakagisnang pamumuhay.

Ang mahalaga, sa konting tiyaga ay kumikita para lang may maipakain sa pamilya. Sa bawat pagpatak ng pawis ay pagpatak din ng perang iaabot kay misis. (NI SID LUNA SAMANIEGO)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post SPORTS NEWS: Kai Sotto sasabak na sa NBA G League
Next post SPECIAL REPORT: MAPALAD KA NGA BA?
%d bloggers like this: