NATIONAL

Sunog sa M. Dela Cruz Street Pasay City umabot sa ikatlong alarma ayon sa BFP Pasay

Pasay City, Philippines — Nakuhanan ni kaMilenyo Prince Eric Mendoza ang sunog mula sa ikalabing dalawang palapag ng kanilang gusali kung saan ay tanaw ang nanggagalaiting sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Pasay City.

Aniya, nakuhanan ni kaMilenyo Mendoza ang sunog bandang ala 1:00 ng hapon. Tumagal ang sunog humigit kumulang 2 oras bago naapula ng mga bombero ang apoy.

Ayon naman sa BFP Pasay, naitala ang sunog sa isang residential area sa Brgy 130, M. Dela Cruz St. Nagsimula ang sunog ng 12:45 ng tanghali at umabot sa ikatlong alarma.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng sunog at kung may naitalang sugatan sa insidente. Via Pasay desk | PHOTO COURTESY: PRINCE ERIC MENDOZA

#Pasay
#MDelaCruzStreet
#BFPPasay

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10158246542744265&id=533679264

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: