Mga Mall sa lalawigan ng Cavite pansamantalang isasara dahil sa kawalan ng Social distancing at hindi tamang pagpapatupad ng GCQ guidelines

Read Time:2 Minute, 31 Second

Inilahad ni Gov. Jonvic Remulla ang kanyang saloobin ukol sa pagsasawalang bahala sa naging resulta ng unang araw ng ipatupad ang General Community Quarantine sa lalawigan ng Cavite.

“Akala ninyo ang GCQ ay FREEDOM PASS. Akala ninyo na ang pag bawas ng checkpoint ay pwede na ipagbaliwala ang mga pass para maka labas ng bahay. Akala ninyo na ang work ID ay lakwatsya pass. Ito ngayon ang aking patakaran.” saad ni Gov. Remulla.

Sa ipinoste ni Gov. Remulla, nasa 239 positive covid cases ang huling pagtatala bago ibaba sa GCQ. Umakyat naman sa bilang na 275 ang mga nagpositibo nitong Mayo 17, 2020. Halos 40 na bagong kaso ang nadagdag mula ng nag-umpisa ang GCQ sa Cavite.

“Marami sa inyo ang magagalit sa akin. Mas mabuti na galit kayo sa akin at wala kayong Covid kaysa natutuwa kayo sa akin at nadadagdagan ang may sakit.” dagdag pa ng Alkalde.

Narito ang ilang panuntunan ng Alkalde matapos nyang makipag-ugnayan sa mga Mayors sa pakikiisa sa Executive Order na kanyang nilagdaan kagabi. Ito ang nakalagay;

1. LAHAT NG MALL SA CAVITE ay panandalian SARADO dahil sa kanilang pakawalang bisa ng social distancing. Sa labas ng Mall bago magbukas; sa loob ng mall habang operations; wala po nakitang pinasusunod na patakaran ukol sa social distancing. Kung akala ng lahat ay kung pati sa mall ay PNP pa rin ay para na rin ninyo sinabi na kalimutan na ang ibang trabaho at sitahin na lang ang nasa mall.

2. Kahit supermarket at drug store sa loob ng mall ay sarado hanggang maka gawa nang hakbang ukol sa social distancing. Pasensya na sa taga Bacoor, alam ko na ang malaking grocery ay nasa mall. Sandali lamang ito hanggang makapagbigay ng plano ang may kanya ukol sa social distancing.

3. Karamihan ng pumunta ay akala mauutakan ang sistema:

A. Nag employees ID Ang gamit kahit hinde duty

B. Pinagsabay ang Employees ID at q-pass para sabay ang pasyal.

C. Pumunta sa restaurant (jollibee, mcdo) kumuha Ng take-out at kumain sa luob ng mall at sa labas ng restaurant.

4. Isa po na paki-usap sa may company ID. HUWAG NINYO ABUSUHIN ANG SISTEMA. Sa araw ng inyong trabaho ay kumuha ng certificate of duty mula sa HR. May palugid kami ng 1 hour before and 1.5 hours later para kayo ay maka pasok at makauwi. Pag wala sa araw ay oras ng duty ito ay bawal gamitin para gumala. Please stay at home. Pag Ito ay abusuhin pa lalo, ay baka ikansela ko ang pribelehiyo ng mga nagka sala sa work ID.

Pinakikiusapan din ng Alkalde na mamili na lang sa mga bukas na grocery stores at pharmacy na malapit sa inyong mga lugar. Aniya, magbubukas din naman ang mga mall kung sakaling maipakita na ang plano ng operators ukol sa social distancing.

Tandaan, ang Q sa GCQ ay “Quarantine.” Hindi pa tapos ang sakuna o kalbaryo na ating patuloy na nararanasan at kinakaharap. Kaya huwag ito ipagsawalang bahala. | DM

https://www.facebook.com/JonvicRemullaJr/

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post BERSO SA DIYARYO MILENYO: PARA SA AKING MGA KAKLASE (2018-19) Ni Aela Raine
Next post PRESS RELEASE: SEC STOPS CROWD1’S ILLEGAL INVESTMENT SCHEME

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: