Banner Story

Second wave ng COVID-19 sa bansa, inaasahan ng mga eksperto bago matapos ang buwan ng Mayo

Nangangamba ang mga eksperto sa posibilidad na magkaroon ng second wave ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Matapos itong makita ng mga eksperto sa mga post sa social media at napanood sa telebisyon kung saan ay dumagsa ang mga tao sa malls para mamili, kumain,at magtambay sa mga nagbukas na establisimiyento at nagpa ikot-ikot sa loob ng malls nitong sabado at naging sanhi ng paglobo muli ng trapiko sa Kamaynilaan at karatig probinsya kung saan ay Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Batangas, at General Community Quarantine (ECQ) naman para sa mga lugar na may mababang kaso ng nasabing virus.

Dahil dito, ang ating mga eksperto ay mayroon ng petsa na pinaghahandaan kung kailan posibleng muling tumaas ang bilang ng mga nagpapakonsulta sa mga ospital at maging sa mga clinic center na maaring maganap sa ikatlong linggo ng buwan ng Mayo.

Sa kaugnay na balita, nilinaw naman ni Joint Task Force COVID Shield commander Lt/Gen. Guillermo Eleazar na ang MECQ at GCQ ay para sa ekonomiya at hindi para sa lakwatsa.

Pinaalalahanan ang lahat na patuloy pa ring nataas ang bilang ng coronavirus infection sa ating bansa at dapat tayo ay sumunod sa panuntunan ng LGU’s, DOH, at IATF-IED. Hindi pa ito ang panahon para tayo ay gumala habang may peligro o banta sa ating kalusugan na nakaamba.

“Ipinapa-alala ko lang sa ating mga kababayan na pinayagan ng ating pamahalaan na magbukas ang ilang mga business establishment para po sa ating ekonomiya, hindi para tayo ay mag-lakwatsa,” pahayag pa ni  Eleazar. | NI REX MOLINES | PHOTO COURTESY: WIRED.COM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.