Dasmariñas, Cavite — Bagamat wala pang anunsyo at kasiguraduhan kung kailan makakabalik pasada ang ilang PUJ Drivers kahit na under General Community Quarantine ang lalawigan ng Cavite.
Pinaghahandaan naman ni kuya Antonio Molines, 39, PUJ Driver ng Paliparan-Zapote (Bacoor) via Molino Road & vice versa ang posibilidad na makabalik pasada na sa kanilang lugar.
Gamit ang alambre pang suporta sa kakapitan ng makapal na plastic cover, tinahi-tahi ito ng mano-mano ni kuya Antonio at nilagyan nya rin ng packaging tape. Ang dibisyon nito ay limitado into 4 seaters on both side para na rin sa proteksyon ng bawat pasaherong sasakay-baba at maipatupad ang passengers social distancing sa loob ng sasakyan.
Aniya, nahihirapan na rin sila sa gastusin pang araw-araw at hindi na nila alam kung saan pa sila kukuha pambili ng pagkain para sa anim (6) na maliliit na supling at ang anim na buwan nyang buntis na misis na hindi pa nakakapagkonsulta sa doktor.
“Naglalagay na po ako ng dibisyon para sa pagbalik pasada (kung sakali) para limitahan yung mga pasahero (kung makabyahe na) at maglalagay din po ako ng hand sanitizer at sisiguruhin ko po na mayroon akong bitbit na pang disinfect laban sa virus. Yan po yung protocol ng LTFRB / DOTr at dapat po talaga sundin. Sana po makapagpasada na ulit kaming mga PUJ driver.” ani Kuya Antonio. | VIA CAVITE DESK | FROM GLAIZA G. | PHOTO COURTESY DIYARYO MILENYO
Categories: Photo News