Sa panahong MECQ at GCQ, hanapbuhay para sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho

Read Time:3 Minute, 1 Second

Kumusta po kayo mga kaMilenyo? Lalo na sa mga minamahal nating mga manggagawa sa iba’t-ibang industriya na pinapasukan natin? Batid ko na kating-kati na ang inyong mga paa sa pagbabalik trabaho pero hindi pa lahat ay maaring makabalik trabaho dahil sa patuloy na banta ng pandemic virus (COVID-19) sa bansa.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Gaya mo rin ako na isa ring empleyado at nais ko na rin sana na makabalik sa aking nakasanayang gawain. Ngunit dahil sa under Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna at Cebu. Habang nasailalim naman ng General Community Quarantine (GCQ) ang mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19, hindi ito nangangahulugan na makakabalik na tayo muli sa normal.

Sa pagdinig ng Senado sa COVID-19 updates nitong Huwebes, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, halos 2.6 milyong manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang negosyo.

Mahigit dalawang buwan na tayong lockdown buhat ng Marso 15, 2020, batid ko na ikaw man ay nangangamba na baka wala ka ng balikan pa na trabaho kung sakaling magdeklara ang inyong kompanyang pinapasukan na tigil-operasyon o tuluyang pagsasara nito (‘wag naman).

Maging ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nangangamba rin sa posibilidad na may lima hanggang 10 milyong Pinoy ang maaaring mawalan ng trabaho sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Karamihan sa mga mawawalan ng trabaho ay ‘yung nasa service sector gaya ng restaurant, mga establishment sa loob ng malls, tourism industry, travel agencies, small medium businesses, transportation companies, at gaya ng trabaho ko na nasa advertising industry, at ang mga maliliit na negosyo.

Hindi natin maiiwasang makapag-isip ng hindi magandang bagay lalo pa’t pera ang kailangan ng nakararami. Hindi man ayuda na mula sa gobyerno kundi trabaho o hanapbuhay ang mas kailangan ng tao ngayon, dahil ito ang makakatulong para maibsan ang kagutuman ng pamilyang mawawalan ng hanapbuhay.

Kaya naman, isa sa mga plano ng DOLE ay palawakin ang tulong pang hanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers program nito para matulungan ang mga mawawalan ng trabaho. Bahagi ng post-pandemic recovery plan ng DOLE na mag-udyok ng trabaho sa pagpapatupad sa mga nakabimbing infrastructure project. Antabayanan natin ito.

Sa panahon na tayo ay pare-parehong nag-aantay ng masasakyan upang makabalik trabaho na at ang pinapayagan lamang ay ang mga PUV’s, mga tricycle at private vehicles sa ilang mga lugar, mahuhuli naman sa pagbabalik-pasada ang PUJ’s sa ilang lugar sa Luzon at Metro Manila.

Ano na lang kaya ang mangyayari sa ating lahat kung magpapatuly pa ito hanggang first quarter ng 2021? Kailan nga ba talaga tayo makakabalik sa normal? Sagot; hangga’t wala pang vaccine para sa virus na ito hindi pa tayo makakabalik sa normal na pamumuhay.

Maraming paraan para tayo ay kumita. patok ngayon ang online business. Depende sa iyo kung ano ang nais mong ibenta o maging negosyo gamit ang iyong cellphone, laptop, internet o data services. Sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media accounts na kaya mong i-access.

Bukod dito, kung nakararamdam na tayo ng pagkabagot sa loob ng ating tahanan, bakit hindi nating ugaliin ang pagdarasal, pagbabasa ng bibliya at pakikinig ng worship songs kasama ang ating buong pamilya sa panahong lockdown at walang kasiguraduhan?

Huwag po tayong mainip, darating din ang tamang panahon para sa ating lahat. Huwag po tayong mangamba, makakapagtrabahong muli tayo ng walang banta sa ating kalusugan. Dahan-dahan po na magbubukas ang lahat ng mga establisimiyento, mga kompanya upang muling buhayin ang ating ekonomiya basta sumunod lang po tayo sa pinaiiral na alituntunin ng ating mga awtoridad at ng batas. (TINIG NI REX MOLINES)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PRESS RELEASE: CRIMINAL CASES AGAINST KAPA ACTIVE, CEASE AND DESIST ORDER IN FORCE
Next post PHOTO NEW: Moro leader remembers “great grandmother” during Ramadhan festivity

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: