
Wilkins Villanueva, itinalaga ni P. Duterte bilang bagong Hepe ng PDEA
Manila, Philippines — Pangulong Rodrigo Duterte itinalaga si Director General Wilkins Villanueva bilang bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency o (PDEA).
Ibinahagi ni Villanueva ang appointment paper nito sa Facebook kahapon (May 26). At ito ay kinompirma naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtalaga sa bagong PDEA chief. Papalitan ni Villanueva si outgoing Aaron Aquino.
Ang nasabing pagtatalaga sa bagong hepe ng PDEA ay kinompirma rin ni PDEA Spokesperson Derrick Arnold Carreon. Sa isng inyerbyu na nakalap ng DIYARYI MILENYO, kanya ring sinabi na maaring ilipat naman sa ibang posisyon sa gobyerno si Aquino. Ngunit ito ay hindi pa malinaw.
Sa pagtatalaga, Si Villanueva ay nanungkulan bilang regional director of PDEA- Region 10 (Northern Mindanao) sa loob ng dalawang dekada bilang anti law enforcement ng PDEA. Bukod sa PDEA, dati ng nagtrabaho si Villanueva sa Philippine National Police Narcotics Group. At nagsilbi rin sa Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service.
Habang ang outgoing na si Aquino, dating retired police official, ay itinalaga upang pamunuan ang PDEA taong 2017. Siya ay bahagi ng Philippine Military Academy Class of 1985.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Villanueva kay Pangulong Duterte at sa dalawang senador na sina Sen. Bong Go at Sen. Ronald ‘Bato’dela Rosa sa pagsuporta at pagtitiwala sa kanyang kakayahan. Aniya, hindi raw nya bibiguin ang Pangulo sa tungkuling iniatang sa kanya. | Rex Molines | Photo courtesy from Facebook account of the new Director-General of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),Wilkins Villanueva
Source: MANILA BULLETIN