USAPANG KWARANTIN: MGA KWENTO AT USAPING PANDEMYA ANG AMING PALALAGANAPIN

Read Time:2 Minute, 3 Second

Mula ng magsimula ang lockdown sa Luzon at isailalim sa community quarantine ang ilang bahagi sa ating bansa partikular ang mga karatig probinsya sa Kamaynilaan noong ika 15 buwan ng Marso 2020. Marami na tayong pinagdaanan, marami na tayong sinakripisyo at hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayong humaharap sa napakalaking problema sa ating kalusugan at ang pagbagsak ng ating ekonomiya dahil sa banta ng pandemyang COVID-19 sa buong mundo.

Marami ang dumanas ng kahirapan sa buhay, kagutuman, kalituhan sa mga panuntunan ng mga awtoridad, may mga inabutan din nang lockdown at hindi na nakauwi sa kani-kanilang mga probinsya. Hindi natin kontrolado ang sitwasyon. Wala sa atin ang maaaring makapagsabi na tayo ay makakabalik agad-agad sa normal nating pamumuhay.

May mga pag-aaral na isinagawa na may kaugnayan sa bakuna para mapigilan ang nakamamatay na virus sa ating paligid ngunit ito ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng siyensya at mga eksperto sa medisina at parmasyutikal. Pero wala pa ring antidote na maaring makagamot sa pandemyang ito. Sakabila ng lahat, marami pa rin sa atin ang mga walang boses na dumaranas ng kahirapan sa buhay at ang pagkawala ng trabaho at pangkabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.

Kaya naman, ang DIYARYO MILENYO ay naglaan ng isang pitak para bigyang daan ang mga natatanging kwento at usaping may kinalaman sa pandemyang ating kinakaharap. Ang USAPANG KWARANTIN. Tatalakayin ang mga mahahalagang pag-uulat ukol sa mga huling kaganapan sa pandemyang ating kinahaharap at ang mga kwento ng bawat indibidwal na kararanas ng pang-huhusga lalo na sa ating mga frontliners, mga pasyenteng under PUM’s at PUI’s, mga kwentong kapupulutan ng lakas at katatagan ng loob lalung-lalo na ang mga OFW na sabik ng makauwi at makapiling ang kani-kanilang mga pamilya.

Magsisilbing tulay ang DIYARYO MILENYO para mabigyang daan ang mga kababayan nating nais din magbahagi ng kwentong kwarantin na marahil ay naiiba sa atin at aming lubos na ito’y tatanggapin; masaya man, masalimuot, malungkot, o ano pa mang mukha ng istorya ninyo ito ay aming bibigyang hugis at kulay sa aming pahina. Maari ring magtalakay ng mga bagong kaalaman sa pagharap sa pandemyang ito.

Ang MECQ, MGCQ, at GCQ ay maaring mahambing sa tinatawag na the NEW NORMAL sa panahong naka kwarantin pa ang ating bansa. Kaya manatili tayo sa loob ng ating tahanan sapagkat bawal pa rin ang lumabas. Tara! Pag-usapan natin ang KWENTONG KWARANTIN mo, kaMilenyo. Maaring mag-email sa amin sa diyaryomilenyo@gmail.com

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Residents praise Bai Emarie “EM” Mangudadatu-Ampatuan for helping Mayor Marop’s relief efforts for residents affected by COVID-19
Next post BIYAHENG EDUKASYON NGAYONG AGOSTO BENTE KWATRO
%d bloggers like this: