Tinig ni Rex Molines

BIYAHENG EDUKASYON NGAYONG AGOSTO BENTE KWATRO

Noon iniisip natin ang future o kinabukasan ng ating pamilya, at ang kinabukasan ng ating mga anak. Iba kasi kapag may pinag-aralan kang tinapos dahil ito ang ticket ng bawat isa sa atin sa mas masaganang pamumuhay sa hinaharap.

Pero ngayon, hindi na mahalaga kung ano ang kinabukasan na naghihintay sa atin lalo na sa mga mag-aaral na nagtapos nitong Marso ngunit hindi na nakaakyat pa sa entablado at ma-experience na makapagsuot ng toga dahil nga sa pandemyang ating kinahaharap.

Pag-usapan natin ang EDUKASYON, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa pag-iisip ng mga magulang kung itutuloy pa ba nila na ienrol ang kanilang mga supling sa papalapit na pasukan ngayong Agosto 24. Sa lunes ay magsisimula na ang tinatawag na Remote Enrolment Procedure. Sa pamamagitan ng paggamit ng online o internet o kaya naman mismo ang mga class adviser ang makikipag-usap sa mga magulang ng kanilang mga mag-aaral para i-enrol ang mga bata sa darating na pasukan. ‘Yun ay kung nanaisin nga ba ng mga magulang na isakrispisyo ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga anak.

Hindi naman ibigsabihin nito ay may magaganap na Face to Face (F2F) learning. Iginiit ng Department of Education na walang magaganap na F2F sa mga paaralan ngayong school year hangga’t walang vaccine para sa virus at dapat magcomply ang paaralan sa mga ipatutupad na guidelines ng DOH para sa mga paaralan at mag-aaral. Bagama’t paiiralin pa rin ang social distancing lalo na sa mga kolehiyo. Isa sa mga nakikita ng mga namamahala sa edukasyon ay ang pagpapatupad ng Blended learning gamit ang mga laptop, desktop, at internet. Isa rin sa maaring gamitin ng DepEd ay ang Telebisyon at Radyo para sa mga mag-aaral na walang kakayahang gumamit ng kompyuter at internet. At may mga manual o module na gagamitin ang bawat mag-aaral. Ito ay ilan lamang sa mga learning delivery modalities na inilaan ng DepEd.

Kung sakaling magsimula na nga ang enrollment ng mga magbabalik eskwela, kumusta naman kaya ang tuition fee sa mga pribadong paaralan? Ito rin ang isa sa mga problemang kakaharapin ng mga magulang ngunit nilinaw na ng DepEd sa kanilang mga inihandang panukala para sa edukasyon, walang mangyayaring pagtaas sa mga matrikula ng mag-aaral sa lahat ng paaralan. Kung wala pang kakayahang mabayaran ang tuition fee ay maaring gawing installment basis ito at sa mga may previous accountability sa mga private schools ay dapat ding i-settle ito. Sa kaugnayan, iginiit ni Pangulong Duterte na maaring makapag loan sa Landbank kung walang kakayahang makapagbayad pa ng tuition fee.

Kaugnay nito, pinababantayan din ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bentahan ng mga gagamiting equipment ng mga mag-aaral gaya ng mga computer o laptop at iba pa. Panigurado marami na naman ang mang-aabuso sa kalakarang ito. Huwag nyo naman po gipitin ang ating mga mag-aaral at ang kanilang mga magulang dahil wala naman iba pang pinagkukuhanang kita ang nakararami sa panahong lockdown pa ang ating bansa. Malayo-layo pa ang tatahaking biyahe nating lahat at ng mga mag-aaral. (DM)

Categories: Tinig ni Rex Molines

Tagged as:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.