BERSO SA DIYARYO MILENYO: Kadenang Karamdaman ni Makatang Torpedo

Read Time:48 Second

Mundo’y nahaharap sa isang suliranin,
Sa isang sakit na maaaring makuha natin.
Sakit na nagpahinto ng mga gawain
Walang tiyak na lunas kundi panalangin.

Tumalima sa limitadong interaksiyon
Ito ang ating tanging solusyon
Upang mikrobiyo na nakahahawa
Hindi magresulta sa taong nakaaawa.

Tumulong sa anumang paraan
Malaking bagay ang manatili sa tahanan
Ipagdasal ang mga nasa kapahamakan
Sana ay makamit ang kaligtasan
Hindi lang sa ating bayan
kundi kahit saan pa man.

Huwag dumagdag sa epidemya
Hindi sagot ang pagkanya-kanya
Huwag gamitin ang problema
Upang makalamang sa iba
Dapat tayo ay magsama-sama
Itong kadenang karamdaman ay itumba.

Distansiya muna sa mga minamahal,
Yakap at halik na ngayo’y bawal
Palitan ng pagkaway at matamis na ngitian
Maiiwasan natin ang kadenang karamdaman

Pumantay na ang paa ng ibang nagpositibo.
Manalangin tayo at huwag mag-isip ng negatibo
Sakit na walang mayaman o mahirap
Malulutas sa tulong ng amang nasa ulap.

Magtiwala tayo
Matatapos din ito
Iyan ang totoo
Pag-asa ang nasa dulo.

Kadenang Karamdaman
ni: Makatang Torpedo (Arian Rodriguez / Mark Archie Resco)

Published in Berso de Estilo Pilipino / MakaTulaan

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PRESS RELEASE: Camba assumes as new Army 1002nd Brigade Commander BY ISAGANI P. PALMA
Next post OPINION: Kafkaesque, simula ngayong Hunyo Uno
%d bloggers like this: