MGA DAPAT TANDAAN BAGO MAKIPAG SAPALARAN SA METRO MANILA NGAYONG LUNES

Read Time:2 Minute, 58 Second

ISASAILALIM na sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila ngayong Lunes (Hunyo 1, 2020) upang bigyang daan ang ilang kompanya sa NCR na muling makapag operate na at makabangon paunti-unti ang ekonomiya sa Metro Manila.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Gaya nga ng paulit-ulit na paalala sa atin ng mga awtoridad na ang GCQ ay hindi FREEDOM PASS para maglakwatsa o magsaya lamang.

Ayon sa MMDA, hindi na pahihintulutan na makapasok ang mga provincial buses sa Metro Manila. Dahil na rin sa may mga nakabinbin na mga bagong panukala na magkakaroon ng malaking adjustment o pagbabago sa pamamalakad ng batas trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Ang mga empleyadong manggagaling sa mga kalapit probinsya gaya ng Cavite, Laguna, Batangas at Bulacan ay hindi basta basta makakapasok sa Maynila unless na mayroong maipapakitang dokumento gaya ng COE, Health Certificate na galing sa Health center sa inyong mga barangay, at company ID na magpapatunay na nagtatrabaho ka sa NCR. Inaasahang dadagsa ang mga tao sa kamaynilaan sa Lunes. Kaya ang papayagan lamang na maaring sakyan din ay ang mga kinontratang Point-to-Point (P2P) buses, taxi, TNVS, at ang shuttle services ng mga kompanyang magbubukas na sa lunes.
50% porsyento lamang ang dapat na magbalik trabaho sa loob ng opisina at ang kalahati nito ay work from home pa rin.

Pagkatapos naman ng office hours o maghapong pagtatrabaho ng mga empleyado ay hindi sila papayagang gumala-gala o mamili sa loob ng mga mall na malapit sa kanilang opisina. Unless kung taga roon ang empleyado at may Quarantine Pass na dala. Pero kung hindi ka naman taga roon ay hindi maaring payagang makapag-ikot ikot ang mga magpapasaway na empleyado. Walang bisa ang inyong Q Pass at mga company ID o certificate kung hindi ka naman taga roon para mamili lang. Sa madaling salita, kung saan lang naka address ang Q Pass na hawak mo ay dun ka lamang dapat mamili ng mga kinakailangan mo gaya ng pagkain, gamot, at iba pa. Ito ay base sa panuntunan ng IAFT-EID.

Balik operasyon na rin ang MRT 3, LRT 1, LRT 2, at PNR sa lunes subalit paiiralin ang social distancing sa lahat ng mga transportasyong ito. Ang papayagan lamang na maaring sumakay ay 30% hanggang 50% lamang. Kaya asahan nyo na ang mahaba-habang pila sa mga transportasyon na iyan. Ang mga PUV’s ay papayagan na ring makabyahe subalit dapat pairalin na kalahati lamang ng mga mananakay ang dapat tanggapin ng mga driver. Lahat ay dapat mag-comply sa panuntunan ng DOH, LTFRB, DOTr, LGU’s, at ng IATF-EID.

Samantala, gagamitin na ang inner lane ng EDSA para sa mga bus na magbababa at magsasakay na mga pasahero. Ayon sa MMDA, may magpapaikot-ikot na mahigit 300 bus na pwedeng sakyan ng mga empleyado at bawat kilometro ay may nakalaan na babaan at sakayan.

Paalala ulit, hindi pa papayagang bumiyahe ang mga bus at jeep sa Metro Manila at sa kahabaan ng EDSA. Inshort, ang magkabilaang dulo ng buong EDSA ay hindi pa pwedeng daanan. Kaya naman kaMilenyo, inaabisuhan ang lahat na hindi pa tapos ang ating pakikibaka sa nakamamatay na virus na ito. Huwag po tayo pakapante. Patuloy po nating ingatan at alagaan ang ating kalusugan. Huwag din po tayong magmatigas sa mga panuntunang inilaan para sa ating kaligtasan. Huwag po nating ipagsawalang bahala ang pagsasakripisyo ng mga awtoridad at mga eksperto. Kung hindi naman kinakailangang lumabas ay huwag po tayong lumabas para hindi makompromiso ang ating sariling kalusugan at maging dahilan pa ng pagkalat ng virus na nito. Ingat po tayo palagi mga kaMilenyo. (UK-DM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PILIPINAS, PINAKAMARAMING BILANG NG MGA NAITALANG BAGONG KASO NG COVID-19 SA ASEAN REGION
Next post PRESS RELEASE Enrollment Preparation: Mayor Tessa let teachers back to school

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: