Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo kinumpirma ng World Health Organization

Read Time:52 Second

Sa gitna ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kinahaharap ng buong mundo. Panibagong Ebola outbreak naman ang tumama sa Democratic Republic of Congo.

Kinumpirma ito ng World Health Organization (WHO) matapos makapagtala ng limang bagong kaso ng Ebola virus sa nasabing bansa nitong linggo na agad namang ikinamatay sa nasabing virus.

May mga ginagamot pa rin na mga pasyenteng hinihinala na may Ebola virus sa isang isolation unit sa Wangata Hospital sa Mbandaka.

Samantala, hindi pa man natatapos ang pagharap ng lahat sa banta ng COVID-19 ay mahigit 3,000 na kaso ng coronavirus ang naitala at mahigit 70 na ang nasawi sa central African country.

Ilan sa mga sintomas ng Ebola ay ang panghihina, lagnat, pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan, pagtatae, pagsusuka, at internal hemorrhage o internal bleeding. Nakukuha ang Ebola virus sa paghipo o paghawak ng maysakit na nagpositibo sa Ebola; maaring manggaling ito sa sakit ng tao o hayop. Ito ay hindi nakukuha sa hangin, pag-ubo o pagbahing. (Ulat ni Rex Molines. Photo courtesy: google)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Southeast Asian countries say pandemic hastens tech adoption in region
Next post A must visit white beach resort in the north
%d bloggers like this: