
INDIA: Buntis na Elepante kumain ng Pinya, patay
Binawian ng buhay ang isang kaawa-awang Elepante matapos itong pakainin ng residente ng pinya na puno ng paputok.
Batay sa ulat na nakalap ng DIYARYO MILENYO mula sa Times of India, nangyari ang insidente nitong Mayo 27, sa Velluyar River sa Malappuram District kung saan nagpalakad lakad ang Elepante para maghanap ng makakain dahil siya ay buntis.
Aniya, may isang residente raw na nagbigay ng pinya sa elepante na puno ng malalakas na paputok ang nasa loob ng prutas. Ito ay sumabog sa mukha ng elepante at napuruhan ang kaniyang panga.
Dahil sa buntis ang elepante pinili pa rin nito na makaalpas sa mga tao patungong ilog dahil iniisip nito ang kanyang dinadalang sanggol sa kanyang sinapupunan at upang hindi na rin siya makaabala pa sa mga taong nanakit sa kanya. Batid na ng inang elepante ang kanyang sinapit na magwawakas na ang kanyang buhay. Pinilit pa rin nitong makapunta sa ilog hanggang sa siya ay bawian na nga ng buhay habang ito ay nakatayo sa ilog.
Ayon sa awtoridad, sinadya ng suspek ang nangyaring pagpatay sa elepante kung kaya’t ito ay pinaghahanap na ng awtoridad.
Hindi nananakit ang elepante sa mga tao, sila ay marunong kumilala at irespeto ang kanilang paligid. Sa kaganapang ito patunay lamang na nalalabag ang karapatan ng mga hayop sa kanilang bansa gaya sa sinapit ng kaawa-awang buntis na elepante sa bansang India. (Ni REX MOLINES | PHOTO COURTESY: TIMES OF INDIA)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Island Innovation Ambassadors take part of Sustainable Development in Islands Training Session
Past and present ambassadors provided some insights about environmental and sustainability challenges last March 9, 5pm in New York, 10pm...
Island Innovation welcomes Ambassadors during the first meet-up
The Island Innovation Chief Executive Officer James Ellsmoor and community engagement manager Stacey Alvarez de la Campa officially welcomed the...
MEXICAN RESCUE DOG NA NASAWI SA PAGLIGTAS NG MGA NAAPEKTUHAN NG LINDOL SA TURKEY, BINIGYANG PUGAY
MEXICO CITY - - - Binigyang-pugay ng Mexico nitong Lunes, Pebrero 14, ang military rescue dog na nasawi sa Turkey...
2 Pinoy kumpirmadong Patay sa lindol sa Turkey
Dalawang Pinoy ang kumpirmadong patay dulot ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkiye, ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary...
3 Pinoy nawawala matapos ang lindol sa Turkey
TATLONG Pinoy ang napabalitang nawawala matapos yumanig ang magnitude 7.8 na lindol kung saan ay libu-libo na ang nasawi at...
Bilang ng mga nasawi at sugatan sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey, patuloy na tumataas
UMABOT na sa mahigit 12,000 ang nasawi sa dalawang malalakas na lindol na yumanig sa Turkey at Syria nitong Lunes,...